Filtered By: Celebrity Life | Relationship
zeinab harake
Celebrity Life

Zeinab Harake on relationship with Bobby Ray Parks, Jr: 'Sobrang happy ako, promise!'

By Nherz Almo
Zeinab Harake, sa mga taong nagsasabing sana sila na ni Bobby Ray Parks, Jr. hanggang sa huli, “. Sabay-sabay na lang tayo manalig.”

Kilig na kilig si Zeinab Harake nang mapag-usapan ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks, Jr, sa panayam sa kanya ng GMANetwork.com at ilan pang piling entertainment media.

Matapos siyang pumirma ng endorsement deal sa Hey Pretty Aesthetic Clinic, natanong si Zeinab kung manonood ba siya ng mga laro ni Bobby Ray, kasama ang Gilas Pilipinas, sa gaganaping 2023 FIBA World Cup.

Natatawa nang may halong kilig na sabi ni Zeinab, “Ang daming nagtatanong niyan, 'Pupunta ka ba sa World Cup? Pupunta ka ba? Bibili kami ng ticket.' Ayan, di ba, magkita-kita tayo. Pupuntahan natin, siyempre, support-support tayo. Power of love!”

Sa kabila ng kanyang busy schedule, dahil nag-umpisa na rin ang kanyang karera bilang artista, sinigurado raw ni Zeinab na mapapanood ang kanyang boyfriend sa FIBA World Cup.

“Naka-block off na two months ago pa,”sabi ng kilalang vlogger.

Dagdag paliwanag niya, “Kasi, masyado nang giver yung jowa ko. Ako, kailangan ko rin namang gawin yung part ko as partner [niya] kaya blinock ko yung day ng game niya na 'yon. Kasi sa iba, hindi ko [siya] masuportahan, masamahan, pero yung ganyan kaespesyal, manalo o matalo, nandiyan ako sa tabi niya, so pupuntahan po natin.”

Samantala, natutuwa si Zeinab na maraming fans ang suportado ang relasyon nila ng kilalang PBA player.

“Sobrang happy ako, promise! Like, isa 'yan sa kinakaadikan ko sa TikTok, yung mga edit nila sa amin, kung paano sila naniniwala. Gustung-gusto rin ng mga tao na sana siya na.”

Katulad ng kanyang fans, sabi ni Zeinab, “Ako rin naman, gusto ko sana siya na. Sabay-sabay na lang tayo manalig. 'Yan ang paulit-ulit kong sinasabi, ipagdasal na lang natin, manifest.

“Sabi nila sa akin, malakas daw ang manifestation ko, sobrang naniniwala ako sa energy. Wala akong ibang gagawin kundi magdasal, mag-manifest. At kung hindi man, kung wala naman talaga tayong magagawa, hindi natin alam ang kuwento ng kanya-kanya nating kapalaran, siguro acceptance is the key talaga.”

Muling kinilig si Zeinab nang sabihin sa kanya kung gaano kaalaga sa kanya si Bobby Ray.

“Di ba, ngayon lang ako naalagaan ng tama? Bakit kinikilig ang beshy ko?”reaksiyon niya.

“Masaya lang. Grabe kasi ako mag-alaga sa mga tao sa paligid ko, as in. Ngayon lang ako nakaranas nang may nag-aalaga sa akin. Talaga naman, Lord… Ito yung pinakamagandang bonus ni Lord sa akin.

“Pinakamagandang blessing pala. Para sa akin, yung bonus is yung mga magagandang na nangyayari when it comes to financial. Pinaka-blessing sa akin yung family, and kung isa siya sa magiging family ko in the future, magiging happy ako.”

Dagdag pa niya, “Para rin akong nagkatatay, legit talaga. Para akong nagkatatay, ang sarap-sarap. Buti na lang hindi bata yung ano… medyo matanda kasi siya sa akin, di ba? So, happy ako kasi parang hindi na parang naglalaro sa buhay yung nakuha ko.”

Ayon kay Zeinab, ramdam na ramdam din niya ang pagmamahal nito sa kanyang dalawang anak, sina Lucas at Zebianna.

“Mahal na mahal din niya yung mga anak ko,”aniya.

“Lagi niyang sinasabi na, 'Kapag nag-aaway tayo ngayon, dapat included sila. Hindi na puwedeng hindi kasi pati yung future ng mga bata ang nakasalalay dito.' Hay, naku talaga, huwag mauusog!”

Sa huli, inihayag ni Zeinab, “Sobrang deserving and worth it ni Ray ipaglaban, ipagmalaki. Yun lang ang masasabi ko kasi ganun din yung pagmamahal ang support na ipinapakita niya sa akin every time.”

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.