Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Jeric Gonzales, nagkuwento tungkol sa kanyang first kissing scene

Updated On: March 6, 2020, 06:19 AM
Kilala si Jeric Gonzales sa pagganap ng wholesome roles kasama ang kanyang on-screen partner na si Thea Tolentino. Ngunit para sa 'Paraiso Ko’y Ikaw', kakaibang role ang ginampanan ng young actor.

Kilala si Jeric Gonzales sa pagganap ng wholesome roles kasama ang kanyang on-screen partner na si Thea Tolentino. Ngunit para sa Paraiso Ko’y Ikaw, kakaibang role ang ginampanan ng young actor. 

Gumanap si Jeric bilang young Edward kung saan tatlo ang kanyang love interests, sina Yassi Pressman, Lauren Young, at Ashley Nordstrom.

Kuwento niya, “first time ko nagkaroon ng kissing scene tapos tatlong girls 'yung kasama ko -- si Yassi, Lauren, at Ashley. And 'yung story niya talagang magkaka-link 'yung tatlo sa akin kaya iba't-ibang love. 'Yun nga 'yung pinag-usapan namin ni Direk Joyce Bernal noong nag-taping kami. Kailangan daw mai-differentiate ko 'yung love ng bawat isa kung paano ako nagkagusto. Kasi hindi puwedeng parehas. Kaya ayun medyo kakaiba ako doon.”

Ayon kay Jeric, bukod sa kissing scenes nahirapan din siya sa isang specific na eksena sa Paraiso Ko’y Ikaw.

“Yung time na nawala si Teresa, kasi buntis siya noong time na 'yun e. Bilang asawa niya hindi ko alam 'yung feeling na mawawala 'yung asawa mo tapos buntis pa. Tapos biglang wala ka ng balita kung nasaan 'yung asawa mo. So, parang ang hirap ng feeling. 'Yung challenge kasi parang desperado na.”

May mahihirap man siyang eksena, naging masaya naman siya dahil nakakuha siya ng tips mula sa kanyang co-stars na sina Ms. Irene Celebre at ang kanyang anak na si Gabby Eigenmann.

“Kay Ms. Irene, mabilis kaming nagkapanatagan ng loob kasi itinuring niya ko na parang anak niya na rin, parang si Gabby. Sabi niya nga puwede niya na daw ako gawing anak kasi para daw akong si Gabby. Unang eksena pa lang nagkaroon na kami ng koneksyon. Ramdam namin sa isa't-isa na para niya akong anak, para ko siyang nanay. So magaan 'yung loob niya.”

Dagdag niya, natutunan din niya “kay Kuya Gabby, [ang] professionalism. Kapag umarte siya, sobrang focused doon sa ginagawa niya. 'Yung hilig niya talaga sa pag-arte nandoon sa craft niya. Ayun, alagaan lang 'yung craft tapos improve lang.”

Ibinahagi rin ni Jeric na handa na siya sa mas mature na roles, at mga daring na mga eksena. Aniya, “Bilang artista naman gusto ko rin ma-experience 'yung ibang side ng acting. Kung ano man 'yung ibigay sa akin, kung ano man 'yung hiningi, tatanggapin ko o pag-aaralan ko.”

Abangan si Jeric Gonzales at iba pang mga Kapuso artists sa GMANetwork.com

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.