IN PHOTOS: Meet Fadi El Soury, Lotlot de Leon's Lebanese fiancé
Kilalanin natin ang Lebanese fiancé ni Lotlot de Leon na si Fadi El Soury at alamin ang kanilang kuwento ng pag-iibigan.
Fadi El Soury
Nitong August 18 ay ibinahagi ni Lotlot de Leon ang kanilang love story ni Fadi El Soury kay Regine Velasquez-Alcasid sa 'Sarap Diva.'
Relationship
Naging magkaibigan muna sina Lotlot at Fadi bago sila naging magkarelasyon. Aniya, "Friends yeah, but he was constantly there already. So hanggang sa hindi na siya umalis."
Family-oriented
Kuwento ni Lotlot ay walang naging problema sa kanilang magkaibang kultura dahil nakita niya ang similar values nila ni Fadi. "He's very family-oriented kasi, parang Pinoy din 'yung culture nila. He's very close to his parents, mga kapatid niya lagi niyang nakakausap constantly. So 'yun 'yung nakita ko sa kanya na very similar sa atin sa kanila. So wala namang halos ipinagkaiba. 'Yun lang I don't speak their language. He learned how to speak Tagalog, so marunong siyang mag-Tagalog na."
Tagaytay
Sa Tagaytay naganap ang engagement nina Lotlot at Fadi. Saad ng aktres, "Noong dinner time, dinner, kaming dalawa lang... tapos biglang may nilatag na plato, nakalagay 'Marry me?' so medyo naano ako. Tapos tinignan ko siya sabi niya, 'Will you?' Then iyak na ako nang iyak."