Filtered By: Celebrity Life | News
Jinkee Pacquiao Ji Chang wook Manny Pacquaio
Celebrity Life

Jinkee Pacquiao and Korean star Ji Chang-wook meet again in Korea

By Jimboy Napoles
Jinkee Pacquiao at Ji Chang-wook, nagkita sa isang private dinner sa Korea.

Muling nagkita sina Jinkee Pacquiao at ang kanyang “ultimate oppa” crush na si Korean star Ji Chang-wook nang magtungo ang una sa Korea kamakailan kasama ang kanyang pamilya.

Sa Instagram nitong Huwebes, December 8, proud na ibinahagi ni Jinkee ang mga larawan at isang video mula sa kanilang naging private dinner ni Chang-wook kasama ang kanyang asawa na si dating senador Manny Pacquiao.

Makikita sa naturang video ang masayang pag-uusap nila ng South Korean actor at pagpirma nito sa isang pares ng puting boxing gloves at isang fan poster na para kay Mommy D o Dionisia Pacquiao.

Hindi naman ibinahagi ni Jinkee ang dahilan ng pakikipagkita nila sa Korean star.

Taong 2018 nang unang magkita sina Jinkee at si Chang-wook sa isa ring private meeting.

SILIPIN ANG ILAN PANG DREAM ENCOUNTER NG PINOY CELEBRITIES SA KANILANG INTERNATIONAL IDOLS SA GALLERY NA ITO:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.