Celebrity Life

Alessandra de Rossi on Gigi's love life: "Naranasan ko rin 'yun"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 24, 2020 12:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Nasorpresa ang Kapuso actress na si Alessandra de Rossi na sa unang pagkakataon ay naging mabait ang ginagampanan niyang role sa isang teleserye. Binibigyang buhay niya ang pagkatao ni Gigi sa GMA Afternoon Prime na Magkano ba ang Pag-ibig?

Nasorpresa ang Kapuso actress na si Alessandra de Rossi na sa unang pagkakataon ay naging mabait ang ginagampanan niyang role sa isang teleserye. Binibigyang buhay niya ang pagkatao ni Gigi sa GMA Afternoon Prime na Magkano ba ang Pag-ibig?

“Mabait ‘yung character ko dito. Na-surprise nga ako. For a change, hindi ako kontrabida,” ang kuwento ng Kapuso actress.

Nasabi noon ni Alessandra na sawa na siya sa pagiging kontrabida. Ito ba ang naging dahilan para tanggapin niya ang role ni Gigi?

“Hindi naman. Kahit ano ibigay sa akin basta kaya ko gawin, tinatanggap ko naman. Konti lang naman ‘yong limitations ko,” ang paglilinaw niya.

Kapansin-pansin na natural na natural ang pagganap ni Alessandra kay Gigi. Dahil ba may pagkakapareho silang dalawa? “’Di na nga ako umaarte noh. Parehong-pareho kami ng ugali, maingay, makulit, pwera lang ang part na medyo shunga-shunga siya.”

Matatandaan na sa istorya naisahan si Gigi noon ni Margot (Katrina Halili) nang akitin nito si Oscar (Rommel Padilla), ang iniibig ni Gigi. Ito ba ang malaking kaibahan nila ni Gigi? Kung siya ba ang nasa posisyon nito ay hindi siya maiisahan?

“Ano ka! Parehong-pareho nga ng eksena noh. Parehong-pareho, kung ano naranasan ni Gigi sa love, naranasan ko rin ‘yun,” ang natatawang pag-amin niya.

Kaya naman daw sa susunod na role na kanyang gagampanan, gusto ni Alessandra na ‘yung pinag-aagawan siya ng maraming lalaki.

“Hindi ko pa kasi nararanasan ‘yon eh, ‘yong pinag-aagawan ka ng dalawang boys tapos hindi ka makapili. ‘Yong maraming nangliligaw sa ‘yo sa bintana.”

Pero nilinaw niya na role lang ito na gusto niyang gampanan.

“Hindi naman mangyayari sa akin ‘yun kasi hindi ako magpapa-asa ng dalawang tao. At the same time, parang hindi ‘ata gawain ng matinong babae ‘yun. You only choose one!”

Kung siya ang tatanungin, mabibili ba ang pag-ibig?

“Hindi. Ano’ng price? Mabibili mo ‘yung tao, I guess. ‘Yung puso niya, ‘yung utak niya, I don’t think so. Walang presyo ang kahit na ano’ng klase ng emosyon, kesyo kaligayahan man iyan o sadness. ‘Pag sadness ba, mabibili mo ba ang kaligayahan?” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, “Pwede kang bumili ng malaking bahay, pwede kang tumira roon pero malungkot ka pa rin. Pwede kang bumili ng lollipop ‘pag ubos mo na, sad ka pa rin. Wala kang pwedeng bilhin kung hindi pagkain.”

Nais ni Alessandra na magkaroon ng sariling desisyon sa buhay si Gigi kaya naman ito ang kanyang nais ipayo sa kanya:

“Ang pinaka-importante ang mga desisyon natin ‘di maiimpluwensyahan ng mga tao sa paligid natin o sitwasyon sa buhay natin. Sana makapag-isip siya ng tama. Alamin niya kung sino ‘yung totoo niyang mga kaibigan. At maging totoo rin siya sa mga kaibigan niya, kasi minsan bumabalimbing siya dahil sa takot niya.”

Panoorin ang Kapuso actress na si Alessandra de Rossi bilang Gigi sa Magkano ba ang Pag-ibig? pagkatapos ng Villa Quintana. Para sa karagdagang updates, bumisita sa www.gmanetwork.com. --Text by Eunicia Mediodia, Interview by Shively Abella, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.