Filtered By: Celebrity Life | News
Herlene Budol
Source: MPI - Update (Facebook)
Celebrity Life

Herlene Budol, tinuruan ng 'Moon' song ang co-candidates sa Miss Planet International 2022

By Jimboy Napoles
May buena manong paandar si Herlene Budol sa Uganda kasama ang ilang Miss Planet International 2022 candidates.

Ilang araw matapos dumating sa bansang Uganda bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Planet International 2022, marami na agad ang naging kaibigan ni Kapuso actress na si Herlene Budol na mga kapwa niya kandidata mula sa iba't ibang mga bansa.

Sa isang video na inilabas ng nasabing beauty pageant sa kanilang Facebook page, mapapanood si Herlene na tinuturuan ng isang trending na OPM song ang mga kapwa niya beauty queens mula sa Zimbabwe, Germany, Colombia, at Sierra Leone.

Game na game naman ang mga kandidata na sumasakay sa trip ni Herlene na tila talagang nag-e-enjoy kasama ang Kapuso actress.

Ang nasabing awitin na itinuturo ni Herlene ay ang viral song ngayon na "Moon" ng Pinoy rapper na si Nik Makino na may lyrics na:

"Sa'n ka punta to the moon (moon), Road trip vroom vroom, Skrr skrr zoom zoom (skrr)."

Sa comments section naman ng nasabing video, marami ang pumuri sa paghahatid ng good vibes ni Herlene sa nasabing kompetisyon.

"That's why she was unique beautiful with a mission, ikaw na talaga Herlene Hipon Budol. Good luck po and God bless to all," komento ng isang netizen.

"Everywhere Herlene goes she always makes the day happy. Goodluck to you all girls," dagdag pa ng isang fan.

"Runaway winner Ms Congeniality/Ms Friendship Goodluck! Positive vibes lng Po tayo. #ProudPinoyHere," mensahe naman ng isang netizen.

Nakatakdang maganap ang coronation ceremony ng Miss Planet International 2022 sa Speke Resort Munyonyo sa Kampala, Uganda sa November 19 (Uganda time).

Samantala, bibida naman sa kanyang first lead role sa isang teleserye si Herlene sa susunod na taon. Pinamagatang Magandang Dilag, mapapanood ito sa GMA Afternoon Prime.

LOOK: HERLENE BUDOL'S STUNNING PHOTOS AS A BEAUTY QUEEN

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.