Filtered By: Celebrity Life | News
Andre Yllana
Celebrity Life

Andre Yllana, naniniwalang disadvantage ang maging anak ng mga artista

By Nherz Almo
Andre Yllana, sa pagkakaroon ng mga magulang na artista: “Wala po talagang advantage, disadvantage po para sa akin.”

Para sa ilang mga anak ng artista, isang malaking pagkakataon ang dulot ng pagkakaroon ng mga magulang na kilala na sa showbiz. Pero kabaligtaran ang tingin dito ni Andre Yllana, ang binatang anak ng dating mag-asawang sina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Sa ginanap na story conference ng upcoming book-to-screen adaptation ng The Rain in España, natanong sina Andre, Heaven Peralejo, at Frost Sandoval tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng kamag-anak sa showbiz sa kanilang career.

Si Heaven Peralejo ay pamangkin ng magkapatid na aktres na sina Rica at Paula Peralejo, habang si Frost ay anak ng aktres na si Lara Morena.

Ayon kay Andre, sa halip na advantage, tila naging disadvantage pa para sa kanya ang maging anak ng mga kilalang artista.

Paliwanag niya, “Sa totoo lang po, disadvantage pa nga po kasi 'yung pressure. Siyempre, parehong artista ang mga magulang ko, maraming ie-expect 'yung mga tao sa 'yo. Para sa akin lang naman po ito, ha. Para sa akin, wala po talagang advantage, disadvantage po para sa akin. 'Yun lang naman po kasi yung pressure po talaga.”

Matatandaan na sa nakaraang vlog ng nanay ni Andre na si Aiko, nabanggit na niya ang tungkol sa pressure na nararamdaman niya bilang baguhang aktor.

Sabi ni Andre sa kanyang ina, “Pinaka-na-pe-pressure lang naman ako kasi magaling kang umarte . Hindi naman lahat ng artista kapag nagsimula magaling na agad. 'Yun 'yung pinakakinatatakutan ko, na baka hindi ko ma-reach 'yung standards ng mga directors."

Sa kabila nito, ayon kay Andre, may pagkakataon din naman na tila may magandang naidudulot ang pagiging celebrity kid dahil minsan ay nabibigyan siya ng special treatment--bagay na ayaw naman niyang abusuhin.

Sa story conference, sinabi ni Andre, “Siguro, may ilang instances po na magagamit mo siya as advantage, pero 'di naman para gamitin pa. Kasi, minsan parang may, 'O, di ba, anak ka ni ganito, anak ka ni ganyan,' 'E, di, ganito ka, ganyan ka,' 'O, dito ka na,' parang may special treatment po.”

Ayon naman kay Heaven, tila walang direktang epekto sa kanya ang pagiging pamangkin ng mga nakilalang aktres sa showbiz.

Sa palagay niya, “Parang I'm making my own name. So, I don't think na sobrang laking part as a Peralejo because I'm making my own name as Heaven, as an actress who can portray a lot of characters and give the roles justice.”

Para naman kay Frost, may magandang naidudulot din sa kanya ang pagkakaroon ng nanay na kilalang actress.

Paliwanag niya, “I can run to my mom whenever I'm not confident in my craft. I think the advantage is she paved a way for my path and I'm following it. In the same way, I'm also trying to make my own way, my own path.”

SAMANTALA, KILALANIN ANG ILANG PANG MGA ANAK NG ARTISTA NA PINASOK NA RIN ANG SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.