
Lubos ang pasasalamat ngayon ng drag queens mula sa Baguio City sa beauty queen at Kapuso host na si Rabiya Mateo dahil sa ginawang pagpapatuloy nito sa kanila sa kanyang sariling unit sa Taguig City, matapos silang ma-scam sa uupahan sanang bahay na gagamitin nila upang makapag-ayos sa pupuntahang Drag Cartel.
Sa Facebook post ng isa sa mga drag queen na tinulungan ni Rabiya na si Carlo Arambulo Velasco, ibinahagi niya na maayos na ang sitwasyon nila ngayon at malaki ang pasasalamat nila sa kabutihang loob ni Rabiya.
Aniya, "Yes, tama po kami po yung na scam ng AirnB dito sa Facebook from Baguio City and stress na kami lahat-lahat that time but no worries OKAY NA PO KAMING LAHAT & THANK YOU SO MUCH to our Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa lahat ng tulong mo napakabuti mo inside out huhuhu queen things talaga guys pramis pati sa lahat ng gamit at pagkain na pwede niya i-offer binigay niya and binooked pa kami sa isang condo unit bayad nya lahat 'yun."
Natutuwa rin si Carlo dahil kahit maayos na ang kanilang kalagayan ay kinukumusta pa rin sila ni Rabiya.
Kuwento niya, "Nakakatuwa until now nagpapa-update siya [Rabiya Mateo] if kumusta kami and i-pm lang namin siya if we need help."
Samantala, kamakailan ay itinampok naman sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ang life story ni Rabiya kung saan ibinahagi ang humble beginnings ng beauty queen.
Panoorin si Rabiya sa TiktoClock sa GMA at sa livestream sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page, Monday to Friday, 11:15 a.m.
KILALANIN SI RABIYA MATEO SA GALLERY NA ITO: