Jeff Moses reacts to Jillian Ward's latest Instagram photo
Mabilis na pinusuan ng maraming netizens at ilang celebrities ang latest Instagram photo ng Kapuso teen actress at Abot Kamay na Pangarap lead star na si Jillian Ward. Maging ang kanyang co-star sa nasabing series na si Jeff Moses ay napa-react din sa kanyang stunning photo.
Makikita sa nasabing post ni Jillian na nakasuot siya ng isang gray toned jacket at isang black mini-skirt kung saan mas lumutang ang kanyang flawless and sexy legs.
"Feels like summer," simpleng caption ni Jillian sa kanyang post.
Sa comments section, agad na inulan ng papuri si Jillian mula sa mga netizens na sumusubaybay sa kanyang karakter bilang si Doc. Analyn Santos sa naturang top-rating GMA Afternoon Prime series.
"Doc. Analyn, pagamot po ng puso ko!," komento ng isang netizen.
"Most beautiful," ani ng isang fan.
"THE QUEEN HAS ARRIVED," dagdag pa ng isang fan.
Agaw-pansin naman sa comments section, ang hot na hot na fire emoji at hands-up reaction ng Sparkle actor na si Jeff sa post ni Jillian. Si Jeff ay gumaganap naman bilang si Reagan na mabait na kaibigan ni Doc. Analyn sa series.
Mula nang ipalabas ang karakter ni Jeff na si Raegan ay marami na ang nagsasabing malakas ang chemistry nila ni Jillian. Sa katunayan, laging nagba-viral ang eksena nila sa social media partikular na sa TikTok kung saan makikita ang kanilang kulitan at asaran na talagang kinakikiligan ng mga netizens.
Katulad na lamang ng TikTok video na ito na umani na ng mahigit sa two million views.
@ceeijay__ Reagan and Analyn's love story Part 1 #fypシ゚viral #jillianward #jeffmoses ♬ Dito Ka Lang - In My Heart Filipino Version - From "Flower of Evil" - Moira Dela Torre
Ano nga kaya ang magiging endgame nina Doc. Analyn at Raegan? Patuloy na tumutok sa GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime sa TV at via Kapuso livestream.
SILIPIN ANG SIMPLE AND CHARMING LOOKS NI JILLIAN WARD SA GALLERY NA ITO: