GMA Logo Princess Punzalan
Celebrity Life

Princess Punzalan, may inamin tungkol sa masaklap niyang nakaraan

By Jansen Ramos
Published June 28, 2022 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 20, 2026
Awarding Ceremony sa mga Nakadaog sa Sinulog Grand Parade 2026, Gipahigayon | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Punzalan


Binalikan ng dating sikat na kontrabida sa TV na si Princess ang masasakit na pangyayari sa kanyang buhay noong teenager siya.

Isang malaking rebelasyon ang ibinahagi ni Princess Punzalan sa kanyang Instagram account noong Sabado, June 25.

Sa isang videong ipinost ng dating aktres, malungkot niyang inamin na pinalaglag niya ang batang nasa sinapupunan niya matapos siyang mabuntis sa edad na 15.

Aniya, "When I was 15, I got pregnant. I had an abortion because I was afraid of my mom and because the guy would not stand up for the baby."

Sa edad na 19, ikinasal si Princess pero hindi sila nabiyayaan ng supling ng kanyang mister. Ibinunyag din niya na napawalang bisa ang kanilang kasal.

"And then at 19, I found a guy who would marry me. For four and a half years, we tried [but] I didn't get pregnant. That marriage dissolved."

Sa puntong ito, mapapanood sa video na nangingilid na ang luha ni Princess habang binabalikan ang mga masasakit na pangyayari sa kanyang buhay.

Gayunpaman, napalitan lahat ito ng pag-asa nang dumating ang bagong lalaki sa kanyang buhay. Ang tinutukoy ng dating popular na TV kontrabida ay ang kasalukuyan niyang asawa na si Jay Field mula Michigan na rason kung bakit niya piniling manirahan sa Amerika. Sa ngayon, nagtatrabaho bilang nurse si Princess sa US.

Sa kasamaang palad, hindi muli biniyayaan si Princess ng anak sa pangalawang asawa.

Patuloy niyang kwento, "And in my mid-30s, I found a man who would marry me and love me. We tried for 10 years to get pregnant [but] I didn't get pregnant. We tried different kinds of ways to get pregnant, [but] I didn't.

Matapos ang isang dekadang pagsasama, nagdesisyon sina Princess at Jay na mag-adopt at pinangalanan nila itong Ellie na walong taong gulang na ngayon.

"So we adopted. It was a long hard climb to finally find our match.

"I'm so grateful that the birth mom didn't decide to kill her 'cause right now I'm so happy with my daughter and I'm very grateful that she is in my life."

A post shared by Princess Punzalan (@realprincesspunzalan)


Worth the wait para kay Princess ang pagdating ni Ellie sa kanilang buhay kaya enjoy na enjoy ng aktres ang kanyang pagiging ina.

Hindi man ipinapakita ni Princess sa social media ang mukha ng kanilang anak pero lagi niyang ipinapahayag kung gaano niya kamahal ito.

A post shared by Princess Punzalan (@realprincesspunzalan)

A post shared by Princess Punzalan (@realprincesspunzalan)


Marami na rin ang mga artistang mas piniling iwan ang kanilang buhay showbiz sa Pilipinas at magbagong buhay abroad. Heto ang ibang celebrities na nakahanap ng panibagong simula sa ibang bansa.