Ken Chan, paano napagsasabay ang showbiz career at negosyo?
Aminado si Sparkle actor Ken Chan na challenge para sa kanya ang pagkakaroon ng mga negosyo kasabay ng kanyang showbiz career.
Sa isang press interview, sinabi ng aktor na hindi madali para sa kanya ang pagsabayin ang pag-aartista at pagiging isang negosyante. Pero aniya, natutuwa siya dahil kinakaya niya ang mga ito.
"Na-challenge talaga ako nitong mga panahong ito, noong pinagsama ko 'yung career ko sa showbiz and 'yung business ko sa Cafe Claus. It's not really easy for me pero kahit papaano nakakapa ko na siya," kuwento ng aktor.
Dagdag niya, "Natutuwa ako dahil natsa-challenge ako at nagagawa ko 'yung challenge na 'yun. Pero nasa tamang balanse lang talaga ng oras mo 'yan 'e. Most of the time kapag wala akong taping, makikita lang talaga nila ako sa Cafe Claus. Inaasikaso ko rin 'yung ibang business ko."
Ayon kay Ken, katulong din niya sa pag-aasikaso ng kanyang mga negosyo ang kanyang pamilya. Kaya naman malaki ang pasasalamat ng aktor na may mga taong tumutulong at gumagabay sa kanya.
"I'm just so thankful and blessed na mayroong mga taong tumutulong sa akin, especially my family sa business ko. So kapag may mga tapings po ako at hindi ko maasikaso ang business ko in person, sila po 'yung katuwang ko sa buhay.
"Kapag wala naman po akong taping kasama ko pa rin po sila na nag-aasikaso ng business ko. Malaking tulong din po ang family ko para mabalanse ko ang oras ko at maasikaso ko ang dalawang importante sa buhay ko, ang showbiz career ko at ang business ko po," pagbabahagi ng aktor.
Ilan sa mga negosyong pinamamahalaan ni Ken ay ang Christmas-themed restaurant na Cafe Claus at gasoline stations na iFuel.
Samantala, abala rin ngayon si Ken sa bago niyang single sa ilalim ng GMA Music, ang "Quaranfling."
Patuloy na mapapakinggan ang "Quaranfling" sa digital music platforms worldwide.
Mas kilalanin pa si Sparkle actor Ken Chan sa gallery na ito: