Filtered By: Celebrity Life | News
Neri Naig in Baguio
Celebrity Life

Neri Naig, bumili ng bahay sa Baguio City

By Aaron Brennt Eusebio
"She printed out a picture ng bahay, and posted it sa hallway namin as to constantly remind her na 'yan 'yung next goal n'ya," kuwento ni Chito.

Tuloy-tuloy sa pagtupad ng kanyang mga pangarap ang aktres na si Neri Naig.

Bukod sa nabili nilang bahay ng asawang si Chito Miranda sa Alfonso, Cavite ay nakabili na rin ng bahay si Neri sa Baguio City.

Sa Instagram, ibinahagi ni Neri ang rason kung bakit niya gustong magkaroon ng rest house sa Baguio na tinaguriang Summer Capital of the Philippines.

"For 24 years, nangungupahan lang kami. Walang masasabing ancestral house kahit maliit, kahit nasa probinsya. Kaya pala akong nagsusumikap kasama ng asawa ko, na makapag-ipon para makabili ng mga bahay para sa mga anak namin," kuwento ni Neri.

"Ang pagiging mahirap namin nung bata, ako hanggang sa paglaki, ay naging inspirasyon ko para mas magsumikap sa buhay at nang hindi maranasan ng aming mga anak ang kahirapan namin noon."

Kuwento naman ni Chito sa kanyang Instagram, malapit sa puso nilang dalawa ang Baguio dahil dito nag-aral si Neri at madalas silang umaakyat ng kanyang pamilya noong bata pa siya.

"Malapit sa puso namin ang Baguio. Ang Baguio ay isa sa mga pinakapaborito naming lugar sa mundo," sulat ni Chito sa Instagram kalapit ang larawan ng kabibili lang na bahay ni Neri.

"Dito nag-college si Neri (and recently graduated) sa UB, at ang alam ko, nag-high school din siya sa Saint Louis Pacdal. Ako naman, nung mga bata kami, umaakyat kami ng pamilya namin every summer, sembreak, at Christmas break sa Camp Allen (may pabahay kasi dun for military personnel, and military doctor 'yung Lolo ko) and sobrang dami naming fond memories sa Baguio while growing up.

"We lost the house when my Lolo died, pero never kami tumigil sa pag-akyat sa Baguio."

Ayon kay Chito, noong unang nakita ni Neri ang bahay ay agad niya itong nagustuhan kaya ginawa niya ang lahat upang mabili ito.

Sa katunayan, kinunan ni Neri ng litrato ang bahay at idinikit ito sa pader nila sa bahay upang araw-araw ipaalala sa kanya ang bago niyang layunin.

"A few months ago, Neri started checking out different properties in Baguio, and found this beautiful house right in the middle of the city, and she decided she wanted to buy it.

"She printed out a picture ng bahay, and posted it sa hallway namin as to constantly remind her na 'yan 'yung next goal niya.

"So everytime aakyat or bababa s'ya ng hagdanan, or papasok sa office at lalabas ng kwarto, makikita n'ya 'yung bahay na 'yan...and it would remind her, and inspire her, to work even more."

Dagdag ni Chito, hindi nagpapahinga ang utak ni Neri kahit naglalaro ito ng mobile games para matupad ang kanyang mga pangarap.

"Neri has no "off-button." Never siya nagpapahinga. Kung papanoorin mo siya on a normal day, "constant kayod" talaga siya.

"Even while resting, kahit naglalaro siya ng COD [Call of Duty], or nanonood ng series, hindi tumitigil 'yung utak niya. Gigising siya ng 5 am to write down notes, and to talk to our business partners na ganun din gumising at mag-isip.

"Masipag talaga siya. After a few months, binili niya 'yung bahay sa picture."

Ngayong nabili na ni Neri ang bahay, magpo-focus na siya sa iba niya gustong bilhin at gawin.

Pagtatapos ng kuwento ni Chito, "Hold the vision, focus all your energy and do the work, THEN trust the process."

"Now, on to the next goal."

Katulad ng farm house nila sa Alfonso, Cavite, may plano ring ipa-rent out nina Chito at Neri ang kanilang bahay sa Baguio na tinawag nilang 'The Hillside House.'

Samantala, silipin ang rest house nina Neri at Chito sa Cavite sa gallery na ito:

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.