GMA Logo Ruby Rodriguez and Jaya
Source: rodriguezruby (Instagram)
Celebrity Life

Ruby Rodriguez reunites with Jaya in the U.S.

By Jimboy Napoles
Published May 18, 2022 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News

Ruby Rodriguez and Jaya


Kasalukuyang naninirahan sa Amerika sina Ruby Rodriguez at Jaya.

Muling nagkita ang dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez at ang kanyang kaibigan at OPM singer na si Jaya habang sila ngayon ay nasa Amerika.

Sa Instagram, ipinost ni Ruby ang isang larawan kung saan makikita na magkayakap sila ni Jaya nang magkita sa isang Filipino restaurant.

A post shared by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby)

Caption ni Ruby sa kanyang post, "Reunited and it feels so good!! I missed you mare! Love ya @jaya."

May 2021 nang magdesisyon si Ruby na mamalagi na sa Amerika habang nagpapagamot ang kanyang anak na si AJ. Kasalukuyang nagtatrabaho ngayon si Ruby sa Philippine Consulate sa Los Angeles.

Hulyo naman ng parehong taon, nang umalis si Jaya at ang kanyang buong pamilya sa Pilipinas upang manirahan na rin sa Amerika. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagpe-perform ni Jaya sa mga kapwa Pinoy doon.

Samantala, silipin naman ang buhay ngayon ni Ruby sa Amerika sa gallery na ito: