Filtered By: Celebrity Life | News
Ang mga lalaki sa buhay ni Ellen Adarna
Celebrity Life

IN PHOTOS: Ang mga lalaki sa buhay ni Ellen Adarna

Sa ganda at alindog ni Ellen Adarna, hindi kataka-takang marami ang napapa-ibig niya at nali-link sa kanya.

Unang nakilala si Ellen bilang isang modelo at aktres. Nagsimula siya bilang isang Kapuso at naging bahagi ng Bubble Gang simula 2010 hanggang 2013. Mas lalo pang dumami ang kanyang mga tagahanga nang mapadalas ang kanyang feature sa mga men's magazine.

Masasabing sa kanyang pagiging totoo ay madalas makakuha ng atensyon ang aktres. Mas umingay rin ang ngalan ni Ellen nang mabalot ng kontrobersiya ang naging relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

Ang ilang taon nilang pagsasama ay nabiyayaan ng isang anak, si Elias Modesto. Gayunpman, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Pansamantalang hindi nagparamdam ang aktres sa social media at nabalitang may foreigner na boyfriend.

Lately, mas bukas na muli si Ellen tungkol sa kanyang buhay at ang paboritong topic ngayon ng netizens ay ang kanyang budding romance sa aktor na si Derek Ramsay.

Ayon sa reports, simula January 2021 ay nagde-date na sila at kamakailan lang kinumpirma nilang dalawa na in a relationship na sila.

Sinu-sino pa ang mga lalaking naging bahagi ng makulay na buhay ni Ellen? Kilalanin sila sa gallery na ito.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.