The saddest and most shocking celebrity deaths
Ilang kilalang personalidad sa show business ang pumanaw na, na naging dahilan ng pagkalungkot at panghihinayang ng mga masugid nilang tagasubaybay.
Para sa ilang fans ng celebrities, mahirap tanggapin ang pamamaalam ng kanilang mga iniidolo lalo na kung biglaan ang paglisan nito.
Gaya na lamang ng pagpanaw ng kinikilalang King of Philippine Cinema na si Fernando Poe, Jr., noong December 2014.
Mula sa kaniyang burol hanggang sa paghatid sa kaniya sa huling hantungan, ipinakita ng kaniyang mga tagahanga ang labis na pagmamahal nila sa aktor.
Hindi rin inaasahan ang biglaang pagkamatay ng isa sa mga itinuturing na heartthrob noon na si Rico Yan.
Hanggang ngayon, marami pa rin ang umaalala sa paglisan ng aktor taun-taon, kabilang na ang dati niyang kasintahan at aktres na si Claudine Barretto.
Pumanaw sa edad na 80 ang tinaguriang "Queen of Philippine Movies" na si Susan Roces.
Si Susan ay asawa ng namayapang aktor na si Fernando Poe Jr.
Tingnan ang ilang pang personalidad na gumulat at nagdulot ng matinding lungkot sa mundo ng showbiz dahil sa kanilang pagpanaw:
Cherie Gil
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ng gabi ng August 5, 2022, pumutok ang balita na pumanaw na ang nag-iisang Lavinia Arguelles na buong husay na ginampanan ng award-winning actress na si Miss Cherie Gil. Ayon sa Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta, nagawa pa niya makita ang kaibigan nang lumipad ito sa New York.
Susan Roces
Noong May 20, 2022 ay pumanaw ang beteranang aktres na si Susan Roces sa edad na 80.
Kasunod ng malungkot at nakakagulat na balita ay ang sunud-sunod na social media posts ng ilang celebrities kung saan inalala nila ang beteranang aktres.
Luz Fernandez
Ang beteranang aktres na si Luz Fernandez ay pumanaw noong Marso sa edad na 86.
Nitong mga nakaraang taon napanood siya sa GMA sitcom series na 'Pepito Manaloto' kung saan gumanap siya bilang si Lola Yolanda. Naging parte rin siya ng seryeng 'Kambal Karibal' kung saan napanood siya bilang si Magda.
Mahal
Isa sa labis na ikinagulat ng marami ang pagpanaw ng komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.Huling napanood si Mahal sa GMA-7 noong 2021 sa programang 'Owe My Love.'
TJ Cruz
Si TJ Cruz ang panganay na anak ng screen icon na si Tirso Cruz III na sumikat ito sa mga pelikula at TV shows noong '90s.
Namatay ito noong November 21, 2018 dahil sa sakit na cancer.
Fernando Poe, Jr.
Ikinagulat ng lahat nang napabalitang yumao na ang King of Philippine Movies dahil wala naman itong iniindang sakit bago ang kanyang pagkamatay noong December 14, 2004. Thrombosis with multiply organ failure ang cause of death ni Da King. Tinatayang tatlong milyong tao ang nakiramay sa pamilya Poe sa siyam na araw ng burol nito.
Julie Vega
Balot ng misteryo ang pagkamatay ni Julie, na 16 years old pa lamang nang yumao noong May 6, 1985. Pneumonia ang kanyang ikinamatay ngunit may mga naniniwalang na-engkanto ang aktres nang mag-shoot ito ng pelikula sa isang lumang bahay sa Mt. Manalmon.
Rico Yan
Nasa rurok ng kaniyang kasikatan si Rico Yan nang siya ay matagpuang patay sa isang resort sa Palawan, kung saan siya nag-shoot ng isang TV commercial, noong March 29, 2002. Acute hemorrhagic pancreatitis napabalitang sanhi ng kanyang pagpanaw.
Miko Sotto
“Gone too soon,” 'yan ang masasabi tungkol sa maagang pagkawala ni Miko noong December 29, 2003. Kasama niya noon ang kanyang pinsang si Oyo Sotto at dalawa pa nilang kaibigan nang mahulog ito mula sa 9th floor ng kaniyang condominium.
Halina Perez
Galing Bicol si Halina nang mabangga ang sinasakyan niyang van sa isang truck noong March 4, 2004. Ayon sa report, natutulog ang aktres sa van nang mangyari ang aksidente.
Franco Hernandez
Ikinagulat ng industriya ng showbiz ang pagkamatay ni Franco Hernandez, miyembro ng grupong Hashtags. November 11, 2017 nang nalunod si Franco matapos hampasin ng malakas na alon ang bangkang sinasakyan nito.
Marky Cielo
atagpuan ng kanyang ina at kapatid si Marky Cielo na wala nang malay sa kanyang kwarto noong December 7, 2008. Isinugod nila ito sa ospital ngunit naideklara nang dead on arrival.
Francis Magalona
Isang taon matapos maibalitang may leukemia ang “Master Rapper” na si Francis Magalona, pumanaw na ito dahil sa multiple organ failure noong March 6, 2009.
AJ Perez
Pauwi na si AJ Perez mula sa isang show sa Dagupan nang mabangga ang sasakyan nila sa isang bus noong April 17, 2011.
Ramgen Revilla
Natagpuang patay sa kanilang bahay ang noo'y 23 years old pa lamang na si Ramgen. Nagtamo siya ng 11 stab wounds at isang gunshot wound na naging sanhi ng kanyang pagkasawi noong October 28, 2011.
Alfie Lorenzo
Pumanaw ang showbiz writer at talent manager na si Alfie Lorenzo noong August 1, 2017 dahil sa isang heart attack.
Nida Blanca
Natagpuang patay sa likod ng kanyang sasakyan ang aktres na si Nida Blanca noong November 7, 2001. Nagtamo siya ng 13 saksak at ang suspek ay ang kanyang asawa na si Rod Strunk.
Tado
Isa si Tado sa 14 na taong nasawi sa isang bus accident sa Mt. Province noong February 7, 2014. Nahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus na papuntang Bontoc.
Mark Gil
Dalawang taon nang nakikipaglaban sa liver cancer ang batikang aktor na si Mark Gil bago ito pumanaw noong September 1, 2014 dahil sa liver cirrhosis.
Jimboy Salazar
July 24, 2015- Ang “That’s Entertainment” star na si Jimboy Salazar ay pumanaw dahil sa sakit na pneumonia. Yumao si Jimboy sa edad na 42.
Elizabeth Ramsey
October 8, 2015- Mapayapang pumanaw ang Queen of Rock and Roll na si Elizabeth Ramsey sa kanyang tulog nang magkaroon siya ng hyperglycemia attack dahil sa diabetes.
German Moreno
January 8, 2016- Ikinalungkot ng lahat ang pagpanaw ni “Master Showman” German Moreno dahil sa cardiac arrest. Matatandaang nagkaroon ng mild stroke si Kuya Germs noong nakaraang taon at inakala ng lahat na patuloy na ang kanyang pag-recover.
Wenn Deramas
February 29, 2016 – Ikinagulat ng lahat sa industriya ang pagkamatay ng kanilang mahal na direktor na si Wenn Deramas sa edad na 49. Isang heart attack ang cause of death ng direktor.
Isabel Granada
Matapos ma-comatose dahil sa isang aneurysm, tuluyan nang pumanaw si Isabel Granada noong November 4, 2017 sa Qatar.
Baldo Marro
Pumanaw noong October 21, 2017 aktor at stunt director na si Baldo Marro matapos mamalagi sa intensive care unit ng ospital dahil sa butas sa kanyang bituka.
Chinggoy Alonso
October 15, 2017 nang pumanaw ang beteranong aktor na si Chinggoy Alonzo dahil sa colon cancer.
Ernie Zarate
Mga kumplikasyon bunga ng diabetes ang ikinamatay ng aktor na si Ernie Zarate noong September 16, 2017.
Soxie Topacio
Noong July 21, 2017 pumanaw ang theater, film at television director na si Soxie Topacio dahil sa sakit na lung cancer.
Gil Portes
Pumanaw naman ang award-winning director na si Gil Portes noong May 24, 2017 sa edad na 71.
Tita Angge
Isang taong din na-comatose dahil sa isang heart attack si Tita Angge o Cornelia Lee sa tunay na buhay. Tuluyang pumanaw ang beteranang talent manager noong March 2, 2017.
Pepsi Herrera
Pumanaw naman ang tanyang na Filipino designer na si Pepsi Herrera dahil sa isang heart attack noong February 10, 2017.
Donna Villa
Cancer naman ang ikinamatay ni Donna Villa, film producer at asawa ni direk Carlo J. Caparas. Pumanaw siya noong January 17, 2017 sa edad na 57.
Vincent Daffalong
October 19, 2017 nang pumanaw ang Pinoy rap pioneer na si Vincent Daffalong dahil sa isang cardiac arrest.
Bert De Leon
Nagulat ang lahat sa pagkamatay https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/82833/eat-bulaga-at-bubble-gang-director-na-si-bert-de-leon-pumanaw-na/story ng direktor ng 'Pepito Manaloto' na si Bert De Leon noong November 2021. Noong July 2021 ay isinugod si Direk Bert sa ospital matapos itong atakihin sa puso.
Ricky Lo
Nagluksa ang buong entertainment community ng pumanaw ang batikang kolumnista na si Ricky Lo noong May 2021.
Claire Dela Fuente
Pumanaw noong March 2021 ang mang-aawit na si Claire Dela Fuente dahil sa cardiac arrest. Ayon sa anak ni Claire na si Gigo de Guzman, nag-positibo si Claire sa COVID-19 at mayroon din siyang anxiety, hypertension, at diabetes.
Rustica Carpio
Ang beteranang movie and theater actress na si Rustica Caprio ay isa sa mga pinakamatandang artistang Pilipino noong nabubuhay pa ito. Siya ay namatay sa kanyang pagtulog sa edad na 91 sa kanilang bahay sa Imus, Cavite.
Romano Vasquez
Ang dating 'That's Entertainment' star ay namatay sa atake sa puso noong January 23 sa kanyang bahay sa Cavite. Siya ay 51 taong gulang lamang.
Keith Martin
Nabigla ang bansa sa pagkamatay ng American singer, songwriter, at record producer na si Keith Martin nang makita itong patay at naagnas na sa kanyang condo sa Quezon City. Siya ay namatay dahil sa heart attack.
Julia Buencamino
Isa sa mga pinakanakakagulat na pagkamatay sa showbiz ay ang young star na si Julia Buencamino, anak ng mga beteranong mga aktor na sina Nonie at Sharmaine Buencamino.
Noong July 7, 2015, bigla na lang nakita ng kanilang househelp na nakasabit ang patay na katawan ni Julia sa isang nylon rope sa loob ng kanilang banyo.
Ilang araw pagkatapos ng insidente, isang suicide note ang lumutang sa Tumblr account ng 15-year-old na dalagita. Dito inamin ng batang aktres na isa siyang transgender at nonbinary.
Claudia Zobel
Isa sa mga pinakakontrobersyal na sexy stars si Claudia Zobel noong 1980s. Sumikat siya sa mga seksing pelikula dahilan para magkaroon ito ng promising career.
Ngunit natapos ang lahat ng maaga nang maaksidente ang minamaneho nitong sasakyan noong February 10, 1984 labing-pitong araw bago ang kanyang 19th birthday.
Muli namang naglikha ng ingay si Claudia nang makitang halos buo pa rin ang bangkay nito pagkatapos ng tatlumpung taon ng kanyang pagkamatay.
Ronaldo Valdez
The sad news about Ronaldo Valdez's passing circulated in social media after the Quezon City Police Department confirmed his passing on December 17. His son and fellow actor, Janno Gibbs, confirmed and posted a statement about his dad's death.
Jaclyn Jose
Internationally acclaimed Filipina actress Jaclyn Jose passed away at the age of 60 on March 2, 2024.
In a statement issued by Jaclyn's daughter, Andi Eigenmann to the media on March 4, she confirmed that her nanay died due to a heart attack or myocardial infarction.
Gloria Romero
Labis na ikinalungkot at ikinagulat ng Philippine entertainment industry ang pagpanaw ng veteran actress at tinaguriang Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero. Siya ay pumanaw noong January 25, 2025, sa edad na 91.