IN PHOTOS: Mga awards ni Barbie Forteza
Hindi lang best actress awards ang hinahakot ng aktres!
Laut
Umani ng maraming parangal si Barbie Forteza dahil sa kanyang paganap bilang isang Badjao sa pelikulang 'Laut.' Isa dito ay ang Best Actress award mula sa 36th Fantasporto International Film Festival na ginanap sa Oporto, Portugal. Pinalabas ang 'Laut' sa Singkuwento International Film Festival last February 19.
Comedy
Hindi lang sa drama magaling ang aktres. Naparangalan din si Barbie bilang Female Comedy Star of the Year (Editors' Choice) sa ika-apat na taon ng PEP List Awards. Ani ni Barbie, "Oh my gosh. Teka lang. Hindi ko 'to inexpect."
Ani ng Dangal
Nasungkit muli ni Barbie ang isa na namang Best Actress award para sa 'Laut' sa 9th Ani ng Dangal Awards.
Walk of Fame
Nabigyan na rin ng bituin si Barbie sa Walk of Fame ng Eastwood City noong 2016.
Inquirer Bravo
Isa ring Inquirer Bravo awardee si Barbie. Aniya, "Maraming salamat po Inquirer's Indie Bravo para sa parangal na ito. Thank you po, Mr. Bayani San Diego Jr."
Appreciation
Na-a-appreciate talaga ng aktres ang mga award na nabibigay sa kanya, maliit man or malaki. Dito ay naka-pose ang aktres habang hawak ang Certificate of Appreciation mula sa Philippine Children's Medical Center.
Awards
Ang iba pa sa awards na nakuha ng aktres ay ang New Movie Actress of the Year mula sa 26th PMPC Star Awards for Movies para sa pelikulang 'Puntod,' ang Best Supporting Actress mula sa Cinemalaya Awards, at 38th Gawad Urian Awards parehong para sa 'Mariquina.'