Carmina Villarroel, anong klaseng kaibigan para kina Aiko Melendez at Gelli de Belen?
Dahil magkakasama silang lumaki sa showbiz industry, subok na ang pagkakaibigan nina Carmina Villarroel, Gelli de Belen at Aiko Melendez.
Sa bagong vlog ni Carmina, itinanong niya kung paano siya ide-describe nina Gelli at Aiko. Parte ito ng kaniyang video na "Questions I've Never Asked Gelli & Aiko."
Kuwento ni Gelli, caring na kaibigan si Carmina.
"You care a lot. You care about everything lalo na kapag mahal mo sa buhay. Lahat ng concerns namin, you care.
Dugtong pa niya, cautious at maaasahan ang kaniyang kaibigan.
"You are cautious sa mga sinasabi mo, and you're very maaasahan."
Photo source: Carmina Villarroel-Legaspi (YouTube)
Si Aiko naman ay inamin na ang Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host ang kaniyang pinakamalambing na kaibigan. "Touchy [siya]."
Sunod niyang ibinahagi na very assuring at appreciative si Carmina.
"Very assuring. When you tell her your problems, you feel na kahit wala pang solusyon, you feel na she's just there for you."
Ayon pa kay Aiko, nagpapasalamat si Carmina sa ano mang bagay na natatanggap at ginagawa para sa kaniya.
"Appreciative siyang tao. Even the little things that you do for her, she doesn't forget to say thank you. Na-a-appreciate niya lahat ng small things, big things na ginagawa mo sa kaniya."
Panoorin ang kabuuan ng kanilang bonding sa vlog ni Carmina:
Carmina Villarroel reflects on happiness amid the pandemic