10 GMA Heart of Asia Korean dramas that we miss
Alin sa mga Korean dramas na ito ang napanood n'yo sa GMA Heart of Asia?
Full House
Isa sa mga naunang minahal ng mga Filipino Korean drama fans sina Jessie (Song Hye Kyo) at Justin (Rain) sa 'Full House.'
My Love From The Star
Magbabago ang buhay ng sikat na aktres na si Steffi (Jun Ji Hyun) pagkatapos niyang makilala ang alien na si Matteo (Kim So Hyun). Ang hindi alam ni Steffi ay nagkita na ang past self niya at si Matteo three hundred years ago.
Stairway to Heaven
Pinagbibidahan nina Choi Ji Woo bilang Jodie at Kwon Sang Woo bilang Cholo, ang 'Stairway To Heaven' ay isang heartbreaking Korean drama na pinalabas sa GMA noong 2005.
Coffee Prince
Si Andy (Yoon Eun Hye) ay napilitang magpanggap bilang lalaki para makapagtrabaho sa coffee shop ni Arthur (Gong Yoo).
Jewel In The Palace
Si Lee Young Ae ang gumanap bilang si Jang Geum, isang Royal Physician noong Joseon era. Isa ito sa pinaka-successful dramas ng aktres.
Arang and the Magistrate
Ginagampanan nina Lee Jun Ki at Shin Min Ah ang lead roles sa 'Arang and the Magistrate.' Si Lee Jun Ki ang stiff na hukom, samantalang si Shin Min Ah ay makulit na kaluluwa. Nag-lead roles din ang dalawa sa 'Scarlet Heart' at 'Oh My Venus' na pinalabas din sa GMA Heart of Asia.
I Hear Your Voice
Isa sa mga naunang lead role in a drama ang ni Lee Jong Suk ang 'I Hear Your Voice' kung saan ginampanan niya ang isang estudyanteng na-in love sa isang lawyer (na ginagampanan ni Lee Bo Young) dahil sa pagtulong sa kanya nito noong musmos pa lamang siya.
The Master's Sun
Nakakakita ng mga kaluluwa si Sunny (Gong Hyo Jin) ngunit tumitigil ito kapag nahahawakan niya ang CEO ng isang department store na si Johann Joo (So Ji Sub). Isa rin sa lead cast ng 'Producers' si Gong Hyo Jin, samantalang si So Ji Sub ay ang guwapong trainer sa 'Oh My Venus.'