
Kitang-kita ang saya ni Alice Dixson nang kaniyang ibahagi ang kaniyang first mommy day off.
Ayon sa kaniyang Instagram post, "1st Mommy Day off 👶 where to go?"
Ipinaliwanag din ni Alice na tatlong buwan na silang walang yaya para sa kaniyang baby girl na si Aura.
Photo source: alicedixson (IG)
"It's been almost 3 months! Wala pa rin yaya si baby 😞 Buti na lang nag-volunteer si Daddy GS magbantay muna para meron akong ME time 🤗"
Inilahad ni Alice sa kaniyang caption ang mga activities na kaniyang ginagawa kapag mayroon siyang free time. Isa sa mga ito ay ang pag-e-exercise at sinamahan pa siya ng kaniyang pet na si Blondie.
"So what does Mama do when she has time to herself? Aside from exercise with #blondietheyellowlab (pareho na kami taba-ching2 na) Eh di ano pa kundi dumalaw sa @theblocbyjuniesierraandco"
Ipinakita rin ni Alice ang kaniyang pagbibisikleta bilang exercise sa kaniyang day off.
Panoorin ang kaniyang Instagram video:
Tingnan naman ang pregnancy journey ni Alice via surrogacy sa gallery na ito:
Keywords: alice dixson, day off, free day, mommy life, mommy's day off, activities, family, entertainment, rss, rssfeed