TRIVIA: Former Kapamilyas and their first Kapuso teleseryes
Ano nga ba ang mga unang full length projects ng celebrities na ito sa GMA?
Tom Rodriguez
Taong 2013 nang lumipat si Tom Rodriguez sa GMA at nabigyan agad siya ng lead role sa kontrobersyal at LGBT-themed teleserye na 'My Husband's Lover.'
Rodjun Cruz
Tulad ni Tom, pagkaalis ni Rodjun sa ABS-CBN ay nakabilang din siya sa sumikat na Kapuso soap na 'My Husband's Lover.'
Gabby Concepcion
Iniwan ni Gabby Concepcion ang Kapamilya network nang tanggapin niya ang 'Because of You' noong 2015 kung saan naging leading man siya ni Carla Abellana.
Aiai Delas Alas
Nagulat ang lahat sa paglipat ng Philippine Queen of Comedy na si Aiai Delas Alas sa Kapuso network noong 2015. Ang kanyang unang GMA drama show ay 'Let The Love Begin.'
Rafael Rosell
Nakasama naman ni Rafael Rosell si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa filipino adaptation ng Koreanovela na 'Temptation of Wife,' ang kanyang unang Kapuso teleserye, noong 2012.
Ivan Dorschner
Nagpakilig si Ivan Dorschner sa Kapuso viewers nang maging parte siya ng cast ng 'Meant To Be' nito lamang taon.
Mika dela Cruz
Kasabay na lumipat ni Ivan sa Kapuso network si Mika dela Cruz at nakasama niya rin ang aktres sa 'Meant To Be.'
Jaclyn Jose
Ang 'Mundo Mo'y Akin' naman ang first Kapuso project na tinanggap ng beteranong aktres na si Jaclyn Jose noong 2013.
Lauren Young
Nakatrabaho rin ni Jaclyn sa 'Mundo Mo'y Akin' ang isa pang dating Kapamilya na si Lauren Young.
Christian Bautista
Taong 2013 naman nang sumabak sa Kapuso teleserye na 'With A Smile' ang actor-singer na si Christian Bautista.
Edgar Allan Guzman
Kamakailan lamang ay inanunsyo na kabilang si Edgar Allan Guzman sa inaabangang teleserye ni Heart Evangelista na 'My Korean Jagiya.'
Janice de Belen
Matapos ang limang taong pagiging Kapamilya, muling tumanggap ng GMA show si Janice de Belen. Nakatrabaho niya sina Alden Richards at Maine Mendoza sa 'Destined To Be Yours' ngayong taon.
Ariel Rivera
Nagsimula ang pagiging Kapuso ni Ariel Rivera nang tanggapin niya ang teleseryeng 'Hahamakin Ang Lahat' noong nakaraang taon.
Heart Evangelista
Nang lumipat si Heart Evangelista sa Kapuso network noong 2008, naging leading lady siya ni Richard Gutierrez sa show na 'Codename: Asero.'
Max Collins
Ang 'The Good Daughter' naman ang first Kapuso show ni Max Collins na tinanggap niya noong 2012.
Meg Imperial
Nito lamang taon ay lumipat na rin si Meg Imperial sa GMA at nakabilang siya sa cast ng 'D' Originals.'
Kristine Hermosa
Sa unang pagkakataon ay napanood si Kristine Hermosa sa Kapuso network dahil sa 'Hay, Bahay!'
Jazz Ocampo
Taong 2015 naman nang iwan ni Jazz Ocampo ang bakuran ng ABS-CBN at tinanggap ang 'InstaDad' kung saan nakatrabaho niya ang aktor na si Gabby Eigenmann.
Charee Pineda
Simula nang mapabilang sa 'Akin Pa Rin Ang Bukas,' hindi na muling tumanggap ng ibang proyekto sa kabilang TV network si Kapuso actress Charee Pineda.
Rayver Cruz
Busy ang actor-dancer na si Rayver Cruz sa mga kabi-kabila niyang shows sa GMA-7 matapos iwan ang kaniyang mother network kung saan siya naging talent ng 18 taon. Mapapanood si Rayver sa first teleserye niya matapos maging official na Kapuso na 'Asawa Ko, Karibal Ko.' Napapanood din ang guwapong dancer-actor sa musical variety show na 'Studio 7.'