IN PHOTOS: The life of cast after 'Encantadia'
Alam n'yo bang may bagong teleserye si Sanya Lopez? Kumustahin siya at ang ilan sa cast members matapos ang pamamayagpag ng iconic telefantasya sa telebisyon.
USA vacation
Ngayong June, nakatakdang magbakasyon si Gabbi sa New York at Los Angeles, USA. "I've been working for a year with 'Encantadia' and I feel that I deserve a break," saad niya sa interview ng GMA News.
Surprise
Isang sorpresa raw ang handog ni Gabbi sa kanyang fans sa kanyang pagbabalik. Aniya, "You guys should watch out for [it]."
Travel
Nag-travel kamakailan si Gabbi. Una, sa Taiwan kasama ang kanyang pamilya, bago siya tumuloy ng Los Angeles kasama si Khalil Ramos.
Business owner
Pumasok din sa food business ang dalawa na tinawag nilang 'Meat Up with Gabbi and Khalil' na ayon sa aktres ay nagsimula daw dahil sa kagustuhan nilang dalawa ng steak.
New teleserye
Kumpirmado na ang susunod na teleserye ni Sanya kung saan makakasama niyang muli ang kanyang 'Encantadia' love team na si Rocco Nacino.
Blessing
Ayon kay Sanya, dapat sana'y magbabakasyon siya sa Singapore ngunit isinakripisyo niya ito para sa itinuturing niyang bagong blessing.
First Lady
Maraming karakter ang ginampanan ni Sanya pagkatapos ng 'Encantdadia' pero ang pinaka tumatak ay ang pagganap niya bilang Melody sa 'First Yaya' at sa sequel nito na 'First Lady.'
Awards
Nakatanggap din si Sanya ng dalawang awards para sa ginawa niya sa seryeng "First Lady" galing sa Cathloic Mass Media, isang recognition para sa series, at Pacific Luminare Award kung saan binigyan siya ng Asia's Most Versatile Actress award na inamin niyang magsisilbing inspirasyon niya.
Music
Saad ni Glaiza, makakapag-focus na raw siya ngayon sa kanyang singing career at isang bagong album ang kanyang ilalabas.
South Korea
Ayon kay Glaiza, pupunta siya sa South Korea upang manood ng concert ng idol niyang si G-Dragon.
Baby shower
Kamakailan lamang ay naghandog ng isang baby shower si Mariel Rodriguez para kay Kylie.
Soon-to-be mom
Hinihintay na lamang ng soon-to-be mom na isilang ang kanilang anak ni Aljur Abrenica.
Bolera
Kamakailan, ginampanan ni Kylie ang role na Joni sa sports drama na "Bolera" kung saan isa siyang talented na billiards player.
Alas Joaquin
Ang panganay na anak ni Kylie na si Alas Joaquin ay nag-celebrate kamakailan ng kanyang ikalimang kaarawan at nung Halloween, ay na-enjoy naman nitong magbihis Superman para mag-trick or treat.
Ruru Madrid
Matapos ang 'Encantadia' ay nagtungo agad si Ruru sa Boracay upang humabol sa summer at makapagpahinga.
Lolong
Si Ruru naman ay bumida bilang si Lolong sa action-drama series na pareho ng pangalan.
source:
The Right One
Kamakailan, ibinahagi nina Ruru at Bianca Umali ang nalalapit nilang pagsasama sa isang serye na "The Right One." Nagkaroon pa ng mga haka-haka na engaged na ang dalawa pero nilinaw nilang hindi pa.
Rocco Nacino
Bukod sa bagong teleserye kasama si Sanya, bumuo ng isang basketball team ang boys ng 'Encantadia' kung saan kabilang si Rocco.
New Baby
Pero bago pa man lumabas ang kanyang karakter ay nauna nang ipinanganak ng misis niyang si Melissa Gohing ang baby nilang si Ezren
Mikee Quintos
Nang matapos ang telefantasya, humabol si Mikee bilang reyna sa isang Santacruzan.
Apoy sa Langit
Ginampanan kamakailan ni Mikee ang role na si Luningning o Ning sa afternoon drama na 'Apoy sa Langit.'
Mano Po
Nakasama rin sina Mikee at Paul sa 'Mano Po Legacy' bilang mga batang bersyon nina Carmen at Leopoldo.
Solenn Heussaff
Bukod sa 'Taste Buddies,' madaragdagan na ang oras ni Solenn Heussaff sa kanyang pagiging wifezilla sa asawang si Nico Bolzico.