GMA Logo Oliver Austria
Celebrity Life

YouTube rising star Oliver Austria, natanggap na ang Gold Play Button award

By Aedrianne Acar
Published October 14, 2020 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Oliver Austria


Oliver on getting his Gold Play Button: “Just in case na maubusan ako ng pambili ng ulam, puwede natin ito isangla.”

For sure isa kayo sa mga nanood ng kuwela, pero informative vlog ng architect at YouTube star na si Oliver Austria o Llyan Oliver Austria sa totoong buhay.

Oliver Austria

Nakilala ang funny content creator na ito sa pagre-review ng dream house ng ilan sa mga kilalang celebrities tulad na lang nina Derek Ramsay, Ivana Alawi at ng yumaong YouTuber na si Lloyd Cadena.

Sa recent vlog ni Architect Austria, ipinasilip niya sa kanyang 1.6 million subscribers ang unboxing ng kanyang Silver at Gold Play Button Award.

Hindi rin mawala ang ngiti ni Oliver nang finally makita na niya ang Gold Play Button.

May funny hirit pa ang fast-rising online star, “Just in case na maubusan ako ng pambili ng ulam, puwede natin ito isangla.”

“Pero kahit magutom ako never-never kong isasangla ito.”

Nag-thank you din ang content creator sa lahat ng kanyang “dudes” na patuloy na tinatangkilik ang kanyang channel.

“We did it mah dudes! Oh right, so meron na tayong Gold Play Button and thank the Lord tama ang spelling ng ating pangalan, so this one is for you again mah dudes. Maraming, maraming salamat mah dude army without you hindi natin magagawa 'to.”

May first channel si Oliver na may handle na llyanaustria at ang kanyang second channel na ginawa lang niya noong October 12, 2019 ay umani na ng mahigit 43.9 million views as of writing.

Related content:

IN PHOTOS: Kapuso celebrities with YouTube Play Button Awards