Kakai Bautista, nanatiling positibo sa gitna ng COVID-19 pandemic
Mas pinili ng All-Out Sundays star na si Kakai Bautista na manatiling positibo sa gitna ng nararanasan nating pandemya.
Sa Instagram post ng comedienne/singer para ipagdiwang ang kanyang 42nd birthday, binalikan nito ang Paris vacation niya last year at ibinahagi ang dahilan kung bakit niya naisip na mag-solo trip sa City of Love.
Kuwento ni Kakai, "Posting these video from my Euro birthday trip last year. Sobrang emo ko kase iba pala talaga kapag natupad ang isang pangarap na akala mo nuon ay napaka imposibleng abutin!
"I really wanted to go to my dream destinations ALONE. Gusto ko lang talaga. And Paris sabe nila ay masarap puntahan kapag may partner ka.
"Ay, ako gusto ko mag-isa. Kahit saan. AKO muna. Balik nalang uli ganern."
May paalala din ang tinaguriang βdental divaβ sa lahat na huwag ituring na malas ang mga hinaharap nating pagsubok dulot ng COVID-19.
"I never felt unlucky ngayong pandemic kahit alam ko napakahirap ng pinagdadaanan naten. BIRTHDAY ko, gumising ako today."
Dagdag ni Kakai na may aral na hatid ang mga nangyayari na ito.
Turan ng magaling na actress, "I am blessed. And sana wag nating isipin na 'di tayo blessed kung grabe ang ginawa ng pandemia sa atin. God is just teaching us a lesson we avoided to learn when LIFE was convenient for everyone.
"Material thing will never ever matter unless you enjoy it here on earth. Dito lang yan. SO ENJOY whatever you have, whatever you can. KAPIT. LAVARN. MA-BUHAY!
"Sending Love and Light to everyone!!!"
Related content:
Kakai Bautista celebrates birthday with the elderly
Kakai Bautista, proud matapos manalo sa ratings ang 'All-Out Sundays' laban sa katapat nitong programa