IN PHOTOS: Reunions ng stars ng dating Kapuso shows
Matapos man ang mga programa, walang hanggan ang pagkakaibigan ng mga artistang ito.
Sa loob ng ilang buwan o taon ng pagsasama sama sa taping ay pinagtibay din ang pagkakaibigan ng mga Kapuso stars.
Kasabay ng pagiging malapit nila sa isa't isa bilang magkakaibigan offcam ay ang pagsuporta ng kanilang fans hanggang sa matapos ang kanilang programa. Kaya naman nakatutuwang makita na kahit umere man ang finale, tuloy pa rin ang bonding ng ilang mga
artista.
Malaki man ang mundo ng showbiz, nagkakasama-sama pa rin muli ang mga mag-co-stars noon sa panibagong programa man o sa anumang okasyon sa tunay na buhay. Mula sa StarStruck, Tween Hearts, hanggang sa mundo ng mga Sang'gre sa Encantadia, hindi
maikakaila ang tibay ng pagkakaibigang nabuo mula sa isang Kapuso show.
Heto ang ilang celebrity reunions ng mga dating magkasama sa isang Kapuso program na ikinagalak ng mga fans.
StarStruck season 1
Nagkalaban man sila para sa mga titulong Ultimate Male at Female Survivor noon, lifetime friends na ang mga winners and avengers ngayon. Lumalabas sila tuwing may pagkakataon, at napanood muli sa telebsiyon ng magkakasama sa pilot episode ng 'Basta Every Day Happy.'
StarStruck season 6
Nagsama-sama muli sina Arra San Agustin, Ayra Mariano at Analyn Barros sa debut ng Ultimate Female Survivor ng kanilang batch na si Klea Pineda.
My Guardian Abby
Nag-reunite sina Pink Angel Abby and Blue Angel Elisha sa backstage ng 'Eat Bulaga.'
InstaDad
Ang beautiful trio na sina Jazz Ocampo, Gabbi Garcia at Ash Ortega ay muling nagkita nang maging guest hosts sila ng 'Wowowin.'
Encantadia (2005)
Sina Alfred Vargas at Diana Zubiri, ang dating Aquil at Danaya, ay nagkita muli para sa kanilang bagong role na sina Amaro at Lila Sari sa bagong 'Encantadia.'
The Rich Man's Daughter
Nang nagkatrabaho sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro, nagkaroon na sila ng espesyal na pagkakaibigan. Masaya sila nang magkaroon ng TV reunion sa 'Vampire Ang Daddy Ko.'
Sunday All Stars
Sa bakasyon ni Kyla sa London, lumabas sila ng kanyang mabuting kaibigan na si Rachelle Ann Go na doon na naka-base.
Daisy Siete
Malungkot man ang balitang pumanaw na ang isa sa mga direktor ng show, naging daan ito upang magkita-kita ulit ang Sexbomb Girls.
Sana ay Ikaw Na Nga (2004)
Mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang matapos ang kanilang show ngunit magkakaibigan pa rin sina Angelu de Leon, Tanya Garcia, Maricar de Mesa at Meryll Soriano.
Bubble Gang
Nang magkaroon ng pictorial si Ara Mina sa compound ng GMA, bumisita siya sa taping ng kanyang dating show na naging pamilya na rin niya.
That's Entertainment
Ang much-awaited reunion ng Triplets ay ang top-rating GMA Telebabad show na'Meant To Be.'
That's Entertainment
Ang dating real-life love triangle na sina Janno Gibbs, Manilyn Reynes at Keempee de Leon ay nagpatawa at nagpakilig muli sa 'Meant To Be.'
Encantadia
Nagkita-kita ang cast ng 'Encantadia' 2005 at 'Encantadia' 2016 kasama si Direk Mark Reyes.
Tween Hearts ladies
Tween Hearts reunion
Despedida
Nagpadespedida ang 'That's Entertainment' girls na sina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Vina Morales, at Jackie Forster para sa kanilang former co-star na si Donita Rose, na nakatakdang mag-migrate na sa Amerika.
That's Entertainment
Nagsimula ang showbiz career ni Donita Rose sa 'That's Entertainment' noong 1980s.
Donita Rose
Donita Rose kasama sina Tonee Coraza (left) ang dati niyang publicist at ang 'That's Entertainment' talent na si Jeffrey Suarez (middle).
Baby Angelo
Nakasamang muli nina Rita Daniela at Ken Chan si Baby Angelo, o ER Villa sa totoong buhay, nang makapiling nila ito sa backstage ng My Special Love: BoBrey in Concert