Baby Tali, may work from home na rin?
Tila hindi payag si Baby Tali na ang kanyang mga magulang na sina Pauleen Luna at Vic Sotto lang ang may trabaho kahit nasa bahay ngayong quarantine.
IN PHOTOS: The quarantined life of Vic Sotto, Pauleen Luna, and baby Tali
Isang nakakatuwang video ang ibinahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram account at kinagiliwan ng kanilang fans. Si Baby Tali kasi ay tila nagsimula na rin ng kanyang work from home.
Mapapanood sa video na ni-repost ng Instagram account na @team_bosleng ang setup ni Vic para sa Eat Bulaga, at kasama ng host ang kanyang anak bilang make-up artist daw nito.
βRetouch muna Dada,β sambit ni Pauleen tungkol sa kanyang post.
Isang post na ibinahagi ni π½ππ - π·ππππππ πΊππππ (@team_bosleng) noong
Nagbalik-trabaho sina Pauleen at Vic noong June 8 ngunit nananatili sila sa kanilang tahanan.