Dingdong Dantes, nananawagang maging tapat sa mga health workers
Isang public service announcement ang in-upload ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account para tulungang labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
"Mga Kapuso, sa panahon po ngayon, kailangan nating magkaisa para labanan ang banta ng COVID-19.
"Hinihikayat ng Department of Health ang lahat ng pasyente na please i-disclose ninyo ang lahat ng impormasyon sa mga health workers."
Panawagan rin ng Descendants of the Sun at Amazing Earth star na huwag maglihim para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
"Huwag po nating ilihim ang mga activities natin lalo na kung may kaugnayan sa ating pagbiyahe at sa exposure natin sa mga kaso ng COVID-19."
Dagdag pa niya, "Importante po ito upang maiwasang mahawaan ang mga doktor, mga nurse, at iba pang frontline health workers natin. Ang inyong tapat na sagot ay maaring makapagligtas ng mga buhay hindi lang ng mga health workers, pati na rin ng mga pasyente na nangangailangan siyempre ng pangangalaga nila."
Ayon kay Dingdong katotohanan lamang ang dapat iparating ngayong nilalabanan natin ang COVID-19.
"Sa panahon ngayon dapat katotohanan lamang. Mag-ingat po tayong lahat. Salamat po, mga Kapuso"
Dingdong Dantes on COVID-19 crisis: "Mayroon talagang purpose"
GMA Network accepting donations for those affected by community quarantine