GMA Logo Saab Magalona breast milk
Celebrity Life

Saab Magalona, magpapadala ng breast milk para sa baby evacuees

By Maine Aquino
Published January 16, 2020 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Saab Magalona breast milk


Nagbigay ng tip si Saab Magalona kung paano makapagdo-donate ng breast milk para sa baby evacuees sa mga lugar na apektado ng Taal Volcano eruption.

Magpapadala umano ng breast milk si Saab Magalona para sa mga sanggol na evacuees ng Batangas.

Sa pamamagitan ng Facebook post ng local government ng Batangas, nalaman ni Saab na nangangailangan ng breast milk at breast milk pouches para sa breastfed babies na nasa evacuation centers.


Agad namang sumagot si Saab na magbibigay siya ng tulong. Una, nangailangan siya ng magdadala ng kanyang donasyon sa Batangas.

'Di kalaunan ay nakahanap na siya ng magdadala ng mga donasyong breast milk sa Batangas.

Samantala, may mga nagtanong din kay Saab kung paano i-transport ang mga breast milk para sa babies. Nagbigay naman ng tip si Saab sa kanyang mga Twitter followers.