Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

WATCH: Yasmien Kurdi, binigyan ng beautiful justice ang isang inmate 

By Cara Emmeline Garcia
Sa pagbili ng aktres na si Yasmien Kurdi ng painting sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Tagaytay City ay nakapagpalaya ito ng isang preso.

Sa gitna ng taping nila para sa drama-action series na Beautiful Justice, hindi napigilan ni Yasmien Kurdi ang mamangha sa mga obrang nakita niya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Tagaytay City.

Yasmien Kurdi
Yasmien Kurdi

Sa kanyang sorpresa, ang mga painting na ito ay binebenta pala at nakakatulong magpalaya ng isang PDL o Persons Deprived of Liberty.

Aniya kay Lhar Santiago, “Noong binili ko ito, may isa akong napalaya so napakagandang project nito.”

LOOK: Yasmien Kurdi buys artwork toi free a BJMP inmate

“Chismisan sa Umaga” ni Jason Bautista ang obrang binili ni Yasmien at tuwang-tuwa ang pintor nang malamang napansin ang kanyang work of art.

Maliban dito, hindi rin napigilang maging emosyonal sa harap ng aktres si Maricris Estrada, ang PDL na natulungan nito.

“Kayo po ang pinakamalaking blessing na dumating sa akin ngayong magpa-Pasko at magba-Bagong Taon.

“Makakasama ko na rin po 'yung anak ko. So, thank you po,” sambit nito habang yakap ang aktres.

Ang programang ito ay ideya ni Jail Senior Inspector Brian Villaester, ang warden ng Tagaytay BJMP, na turuan ang mga PDL ng pagpipinta.

Sambit nito, “Sobrang laking tulong 'yan sa amin para siyempre mabawasan rin ang mga PDL natin dito sa kulungan.”

Makikita ang mga obra ng mga PDL ng BJMP Tagaytay sa Coreon Gate, Bel-Air Makati simula October 22 hanggang November 22.

Yasmien Kurdi: Perfect Timing

Netizens, nadala sa emotional scene ni Yasmien Kurdi sa 'Beautiful Justice'

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.