
Sa susunod na linggo, lilipad na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa pagpapatuloy ng kaniyang training para sa kanyang laban kontra kay undefeated boxer Keith Thurman.
Bago pa man ang kanilang laban sa Hulyo 20, maaalalang idineklara ni Thurman na ito na raw ang huling laban ni Pacman sa larangan ng boxing.
Pero pahayag ni Manny, hindi raw siya apektado sa mga trash talk ng kalaban dahil tiwala siyang siya ang mananaig kahit na mas bata nang sampung taon si Thurman.
Aniya, “'Yung motivation ko is unang-una being 40 years old I want to prove that at the age of 40, I can still fight.
“And being a public servant, busy rito pero maipapakita ko na kaya kong idisiplina ang sarili ko na makapaglaan ng time para sa sports.”
Panoorin ang ulat na iyan sa video na ito:
WATCH: Keith Thurman on fight against Manny Pacquiao: “Your senator is going down.”
WATCH: Manny Pacquiao, ganadong makaharap ang undefeated boxer na si Keith Thurman