
Busy man sa pagganap bilang si Sahaya, isang priority pa rin para kay Bianca Umali ang makapag-kolehiyo lalo na't katatapos lang niya ng high school noong Marso.
“Magpapatuloy ako ng college and I will pursue a degree.
“Wala pang sure na school at wala pa rin certain course, pero tuloy-tuloy 'yun,” aniya.
LOOK: 'Sahaya' star Bianca Umai graduates from Senior High School
Samantala, sa tindi ng init ngayong summer, sakripisyo talaga ang kailangan para mabuo ang Kapuso primetime series na Sahaya.
Inamin ng cast na hindi madali ang kanilang ginagawa tuwing nagte-taping.
Pahayag ni Bianca, “Lahat ng bagay sa Sahaya, kung paano gawin walang madali talaga.
“But then again, dahil sa suporta at sa pagmamahal ng mga tao sa amin nagiging worth it at nagpe-pay off 'yung mga ginagawa namin.”
Ayon naman kay Mylene Dizon na gumaganap bilang ina ni Sahaya, “You know you're excited to work, but really it's harder than it looks.
“I've never done this before kasi 'yung set namin nasa tubig. The angles are not as easy to capture because hindi naman kwadrado lahat at hindi siya isang kwarto. And the cameras have to be mounted on the water or on a boat.”
Gayunpaman, excited pa rin lagi ang mga bida nito na magtrabaho at gampanan ang kanilang karakter.
Saad ni Bianca, “Yung Sahaya is really a passion project for me and for everyone.
“Lahat ng ipinapakita ko, lahat ng efforts ko, lahat galing sa puso. Which is, ngayon ko lang na masasabi kong ginawa para sa isang role.”
'Sahaya' tops Twitter trends list, earns positive feedback from netizens
Panoorin ang buong ulat ni Suzi Abrera sa Unang Balita: