
Ikinuwento ni 'Pambansang Bae' Alden Richards kung ano ang ibinigay ng kaniyang Eat Bulaga co-host na si Bae-by Baste nang mabangga ang kaniyang sasakyan noong 2016.
Sa ginawang bag raid ni Ryzza Mae Dizon, sinabi ni Alden na binigyan siya ni Baste ng key chain na cross na lagi nang nakasabit sa kaniyang bag.
"Ito, binigay sa akin ni Baste noong naaksidente ako noong March," saad ni Alden habang hawak-hawak ang cross.
Pinakita rin ni Alden ang napulot niyang rosary ring noong sumasakay pa siya ng bus papuntang Manila.
"Dati noong nagko-commute ako papunta sa Manila, napulot ko 'to sa bus," kuwento niya.
"Jubilee 'to e. Jubilee rosary. Napulot ko lang sa bus tapos lagi ko na siyang dala ever since."
Pinaliwanag din ni Alden kung bakit dalawang bag ang kaniyang laging dala kahit saan siya pumunta at kung ano ang kaniyang travel essentials.
Alamin ang mga laman ng bag ni Alden sa video na ito: