IN PHOTOS: Kapuso characters we miss
Matapos ipalabas ang ilang Kapuso series, may mga karakter na sadyang tumatak sa puso at isipan ng mga manonood.
Kabilang na rito ang karakter ni Jillian Ward bilang si Trudis Liit na napanood noong 2010 sa GMA Network.
Balikan at kilalanin ang ilan pang mga karakter na labis na minahal ng mga Kapuso sa gallery na ito.
Yago
Gumanap si Alden Richards bilang si Yago, isang lalaking kailangang mamili sa pagitan ng pag-ibig at pamilya, sa 'Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.'
Almiro
Si Aljur Abrenica ang nagbigay buhay kay Almiro isang prinsipe na nasa ilalim ng isang sumpa sa 'The Last Prince.'
Annasandra
Isang babaeng isunumpa para maging awok tuwing gabi si Andrea Torres sa 'Ang Lihim ni Annasandra.'
Alice
Hindi malilimutan ng mga manonood ang malagong buhok ni Bea Binene bilang Alice sa 'Alice Bungisngis and her Wonder Walis.'
Madame Rocha
Isa si Madame Rocha sa mga 'di mabilang na karakter ni Michael V. Sandali niya itong binuhay muli para sa 20th anniversary special ng 'Bubble Gang.'
Gallian Magdalion
Si Dennis Trillo ang gumanap bilang si Gallian Magdalion, ang leader ng mga Zaido sa 'Zaido: Pulis Pangkalawakan.'
Isaak
Nagbigay ng pag-asa si Dingdong Dantes sa isang post-apocalyptic na mundo bilang si Isaak Macalintal sa 'Genesis.'
Hot Mama
Isang batikang sex therapist sa radyo ngunit isang single na manang sa tunay na buhay ang ginampanan ni Eugene Domingo sa huling installment ng SRO Cinemaserye na 'Hot Mama.'
Mother Lexi
Aliw na aliw ang mga manonood nang makita ang matikas na si Gardo Versoza bilang si Mother Lexi, ang bestfriend at confidante si Carding sa 'Dading.'
Dwarfina
Mala-manika si Heart Evangelista habang naglalakbay sa pagitan ng mundo ng mga duwende at mundo ng mga tao sa fantaseryeng 'Dwarfina.'
Ikay
Iniwan muna ni Janine Gutierrez ang kanyang glamorosang image para ganapan ang role ni Ikay sa 'More Than Words.'
Alona
Gumanap si Louise delos Reyes bilang ang sirenang si Alona, pati na ang kakambal nitong tao na si Perlas, sa 'Kambal Sirena.'
Amaya
Talagang hindi malilimutan si Primetime Queen Marian Rivera sa kaunaunahang epicserye sa Philippine television, ang 'Amaya.'
Tonya
Bukod sa kanyang galing sa pag-awit, ipinakita din ni Regine Velasquez ang galing niya sa pagpapatawa bilang si Tonya sa 'I Heart You Pare.'
Amihan
Tumatak sa mga manonood ang lahat ng mga Sang'gre sa 2016 'requel' ng iconic GMA telefantasya na 'Encantadia.' Pero sa apat, si Amihan (Kylie Padilla) ang pinakanami-miss ng mga Encantadiks dahil sa kanyang pagpanaw bago pa man matapos ang serye.
Yaya and Angelina
Maraming napatawa sina Michael V at Ogie Alcasid sa mga karakter nila sa mula sa Ang Spoiled skits sa 'Bubble Gang.'
Venus
Lumabas si Kapuso actress Andrea Torres bilang si Venus, isang femme fatale at ka-alyado ni Pepe (Dingdong Dantes) sa top rating GMA Telebabad series na 'Alyas Robin Hood.'
Sinag
Maraming pinagdaanan si Sinag (Maine Mendoza) bago tinupad ng tadhana ang pangako nito sa kanila ni Benjie (Alden Richards) sa 'Destined To Be Yours.'
Marimar
Marian Rivera
Noong 2007, napanood si Marian Rivera bilang bida sa Philippine television drama romance series na 'Marimar.'
Ang GMA series na ito ang naging tulay ng pag-iibigan nina Marian at Kapuso actor na si Dingdong Dantes.
Charming at Krystal
Noong 2006, ipinalabas sa GMA Telebabad ang drama series na 'Bakekang.' Dito ay labis na minahal ng mga manonood sina Charming at Krystal, ang mga karakter na ginampanan nina Eunice Lagusad at Jolina Marie "Krystal" Reyes.