Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

WATCH: St. Peter's Basilica, nilibot ni Susan Enriquez

By Cara Emmeline Garcia
Updated On: April 12, 2019, 11:57 AM
Bumisita si 'Unang Hirit' Anchor Susan Enriquez sa sentro ng Katolisismo at tahanan ng Santo Papa, ang St. Peter's Basilica.

Bumisita si Unang Hirit Anchor Susan Enriquez sa sentro ng Katolisismo at tahanan ng Santo Papa, ang St. Peter's Basilica.

Susan Enriquez
Susan Enriquez

Sa St. Peter's Basilica isinasagawa ang mahahalagang okasyon ng simbahan tulad na lamang ng kanonisasyon ng mga santo, maging ang pagluluklok sa Santo Papa.

Ayon kay Susan, ang St. Peter's ay isa sa pinakamalaking simbahan sa mundo na may higit 22,000 sq.m ang laki at kayang mag-accommodate ng 16,000 na tao.

Mamamangha rin daw ang sinuman pumasok sa loob nito dahil mula sa pintuan hanggang sa dome ay kitang-kita ang pagka-intricate ng details ng simbahan.

Makikita rin ang famous marble sculpture na “La Pieta” ni Michelangelo na ipinapakitang hawak ni Maria ang katawan ni Hesus noong siya'y ibinaba sa krus.

Panuorin ang paglibot at buong ulat ni Susan Enriquez tungkol St. Peter's Basilica:

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.