
Inalala ni Onanay star Jo Berry ang mga araw noong pinagbubuntis pa lamang ni Rochelle ang anak na si Shiloh Jayne sa set ng kanilang primetime series.
READ: Rochelle Pangilinan introduces Baby Shiloh Jayne
"Ang favorite ko pong gawin is tingnan ang tiyan niya habang gumagalaw. Lagi kong kinakausap si baby. Inaasar ako ni Ate Rochelle na 'Naiirita na siya sa 'yo kay siya galaw ng galaw! Naiingayan siya sa 'yo,'" kuwento ni Jo sa isang exclusive interview with GMANetwork.com.
Excited na rin ang aktres na makita si Shiloh Jayne, lalo na't kasama nila ito sa set ng Onanay.
"Siya [Rochelle] rin po kasi ang isa sa pinaka-close ko talaga sa lahat ng kasama ko sa Onanay, kasi ate siya sa akin. Best friends sila ni Onay, tapos kapag offcam, ate ko po siya. Puwede ko siyang tanungin tungkol sa kahit anong bagay, binibigyan niya ako ng advice, kaya isa ako sa sobrang excited na naging mommy na siya.
"'Yung baby na 'yun, nakita namin mula sa umpisa ng pagbubuntis niya hanggang sa manganganak na siya."
Bukod sa Onanay, mapapanood rin si Jo sa upcoming comedy film ni Tekla, kung saan makakasama niya sina Kim Domingo, Derrick Monasterio, Tetay, Kiray Celis at Ms. Aiai delas Alas.
WATCH: Aiai delas Alas, may special participation sa upcoming movie ni Tekla
Lucas: 'Onay, mahal na mahal kita!' | Ep. 151