Celebrity Life

LOOK: Maine Mendoza, naka-isip ng paraan para i-unite ang kanyang fans

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 2, 2019 4:10 PM PHT
Updated March 3, 2019 10:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



"She really looks good wearing happy."

Malapit na ang 24th birthday ni Maine Mendoza kaya naman ay trending na sa Twitter ang hashtags na #Maine24th at #Maineturns24.

Maine Mendoza
Maine Mendoza

Para i-unite ang kanyang fans, siya na mismo nagbigay ng hashtag na gagamitin para sa kanyang nalalapit na kaarawan.

"Bakit dalawa ang pa-hashtag? Ano ang pinagkaiba?" tweet ni Maine na may halong biro.

"'Di pa din magkasundo? Sige, dagdagan pa natin #MaineStillCuteAt24 cheret haha."


Sa loob ng apat na oras, naging top trending topic ang hashtag na ibinigay ni Maine at mayroong mahigit sa 170,000 tweets sa kasalukuyan.


Samantala, isang advance celebration naman ang inihanda ng Eat Bulaga Dabarkads para kay Maine kanina.

Happiest birthday, Mainegirl! 💛

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979) on


Isa sa mga nagbigay pagbati ang AlDub love team partner na si Alden.

“Sisimplehan ko lang po, Mr. Boom [Vic Sotto], she really looks good wearing happy. Kita naman po, so nandito lang ako and good luck with everything,” sabi ni Alden.


Kabilang din sa selebrasyon ang malalapit na kaibigan ni Maine na sina Sheena Halili at Jessa Chichirita.

Si Sheena ay naging malapit na kaibigan ni Maine dahil sa pagsasama nila sa Destined To Be Yours. Samantala, kasalukuyan namang katrabaho ni Maine si Chichirita sa Daddy's Gurl.

Magdiriwang ng kaniyang kaarawan si Maine bukas, March 3.


Advanced happy birthday, Maine!