
Aminado ang Kapuso celebrities na sina Mark Bautista at Jasmine Curtis Smith na minsan na rin nilang naranasan ang anxiety o labis na pagkabahala.
Sa ginanap na launch ng bagong libro ng TV host at talent manager na si Boy Abunda, ang Nanay's Gay Boy, nabanggit niya ang ilang uri ng anxiety na nararanasan ng mga tao.
Isa sa mga banggit dito ang social anxiety, na madalas nararanasan ng celebrities dahil bukas sila sa anumang panghuhusga ng publiko.
Kabilang sa guest celebrities sa ginanap na book launch noong Sabado, December 8, sina Jasmine at Mark, na nagbahagi ng karanasan nila sa labis na pagkabahala at kung paano nila ito nalagpasan.
Ayon sa Studio 7 singer na si Mark, tila naging “partner” na niya ang stage fright, na hanggang ngayon ay nararanasan pa rin niya.
“Alam mo, 15th year ko na ngayong taon na 'to, naging partner ko na rin 'yung stage fright ko sa business na 'to.
“Siguro natutunan ko na kung paano sakyan 'yong kaba na 'yon. I always get anxious before I go up on stage.”
Pagkatapos nito ay ibinahagi niya ang isang nakaaaliw na turo sa kaniya ng kaniyang ina para maiwasan ang sobrang kaba noong nag-audition siya sa Star for a Night.
“Before ako sumali sa audition ng Star for a Night, 'yung singing contest, 'yung mama ko, tinuro niya sa akin, very psychological lang, 'yung maglagay ng coin sa socks para lang matanggal 'yung anxiety.
“Di ba, malamig 'yung coins? Ang dami kong nilagay noong competition.
“Psychologically, 'yung atensiyon, 'yung kaba ko, instead na doon ang atensiyon ko sa kaba, nalagay doon sa coins.
“Parang may something sa coins na parang nadi-distract ka.”
Tinanong ni Boy si Mark kung nararamdaman pa rin niya ang sobrang kaba ngayon.
Sagot niya, “Oh, yes! Alam mo, minsan, nakakatulong din po, especially when I'm singing.
“Kasi, minsan feeling ko naaabot ko 'yung notes kapag may kaba. Nahahanapan ko ng way para magamit [''yung kaba].”
Samantala, iba-iba naman daw ang dahilan kung bakit nakaranas ng anxiety ang Pamilya Roces star na si Jasmine.
“I definitely have my fair share of anxiety,” aniya.
“It's across a lot of different things, not just because of our industry, rather, you know, just being a 24-year-old going through like, 'Oh, what am I gonna do next? Is this right? Is this the good path for me?'
“It's all of that, plus, having to deal with all of that in front of everyone and being someone else's younger sister.”
Paano naman niya ito nalagpasan?
Sagot ni Jasmine, “It's a lot to take in, but knowing yourself, knowing what you want and being confident in that, knowing the core of yourself, your truth, so when you speak, you carry yourself regardless of what you hear, what people say or what people tell you to do.
“Knowing your truth will guide you.
“And if you don't know, don't be afraid to ask, don't be afraid to seek guidance or at least comfort in people who may just let you be you--wallowing in your sadness or anxiety, and get back up on your feet.
“I think that's essential in everyone's life.”