
Sinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City ang Kapuso hunk na si Jason Abalos kagabi, July 2.
Ayon sa Instagram posts ng aktor at ng kanyang beauty queen-girlfriend na si Vickie Rushton, kasalukuyang naka-admit at nagpapagaling ang Kapuso star.
Hindi man binanggit kung ano ang nangyari sa aktor, alagang-alaga ni Bb. Pilipinas 2018 First Runner-up ang kanyang longtime boyfriend na nagpakilig sa post nito, “Ganda ng nurse ko.”
Get well soon, Jason!