
Kahit ilang buwan na ang nakalipas nang matapos ang Kapuso action series na Super Ma'am, hindi pa rin nawawala ang pagiging close ng buong cast. Sa katunayan ay nagkikita-kita pa rin sila paminsan minsan.
Kailan lang ay nag-reunion ang Super Ma'am cast members na sina Marian Rivera, Joyce Ching, Ashley Ortega, Marika Sasaki, Shyr Valdez, Ralph Noriega, Julius Miguel, at Vincent Magbanua sa isang dinner-date. Tingnan ang kanilang photos below:
Na-touch si Marika sa pagdalo ni Marian sa kanilang get-together dahil alam niyang busy ang Kapuso Primetime Queen.
Aniya, " Ate @marianrivera salamat po sa time ninyo! Kahit nagmula kayo sa SPS rehearsal kanina at bukas may taping ka ng SPS nakapaglaan pa rin kayo ng oras sa amin at nakapag-dinner date tayong Super Ma’am family! Tunay na nakaka-inspire ka!"