#GrabeGurl: Asawa ni Patrick Garcia, idol sa kaseksihan si Jennylyn Mercado
Hindi maikakaila na kahit nanay na ang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado, isa pa rin ito sa pinaka sexy sa mundo ng showbiz.
Hot Momma Alert: Celebrity moms who maintained their sexy figures
Sa katunayan, pinagkaguluhan ng netizens ang sexy photo ni Jennylyn sa Instagram kung saan suot niya ang isang black one-piece swimwear habang nakatambay sa pool area.
Umabot sa mahigit 154,000 likes ang naturang photo ng Kapuso actress sa loob lamang ng 20 oras matapos niya itong ma-ipost.
Kahit ang misis ng kaniyang ex-partner na si Patrick Garcia ay humanga sa fit body ni Jen.
Nag-comment pa si Nikka Martinez-Garcia sa IG post niya at sinabing gusto niyang magpa-training dito.
Matatandaan na ikinasal si Nikka at Patrick taong 2015 at may tatlo na silang anak na sina Chelsea, Patrice at Francisca Pia.
Anak naman ni Patrick kay Jen si Alex Jazz na ipinanganak noong 2008.
Humanga din ang mga netizens sa magandang samahan nina Jennylyn at Nikka.
Bumuhos din ang paghanga ng ilang celebrities tulad nila Megan Young at Chynna Ortaleza na itinuturing ‘fitspiration’ ang StarStruck grand winner.