
Isang throwback sketch ang ibinahagi ni Kapuso comedian Michael V sa kanyang Instagram account.
Drawing ito ng ilang popular na characters mula sa comics na X-Men, gamit ang isang brush pen.
Ayon sa komedyante, ang kanyang yumaong kaibigan na si Francis Magalona ang nag-introduce sa kanya sa comics.
Dahil dito, malaki ang naging impluwensiya ng mga comic book artists na sina Whilce Portacio at Jim Lee sa kanyang mga drawings.