
Bukod sa pagbati kay Angel Locsin na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong April 23, ibinahagi rin ni Ika-6 Na Utos actress Ryza Cenon ang hindi niya makakalimutang karanasan kasama ang dating co-star.
WATCH: What you've missed from the April 24 episode of 'Ika-6 Na Utos'
Dinaan ni Ryza ang kanyang kuwento sa isang Instagram post.
Aniya, "'Di ko makakalimutan 'yung una kitang nakatrabaho sa Darna tapos nalaman mo na mag-isa lang ako sa bahay tapos lagi mo ko kinakamusta tapos pinadalhan mo ko ng adobo. 'Di pa ko marunong mag cook nun hahahaha. Hinding hindi ko 'yun makakalimutan, ate. Super sweet mo, sinabi ko nun sa sarili ko na gusto [ko] maging katulad mo. Thank you ate. Happy Birthday Ate!"
Bukod sa Darna, nagkasama rin sina Ryza at Angel sa Majika kung saan gumanap sila bilang magkapatid.
MORE ON RYZA CENON:
WATCH: What happens to Ryza Cenon every time she takes on the role of Georgia on 'Ika-6 Na Utos'?
EXCLUSIVE: Ryza Cenon, thankful sa pagiging supportive ng boyfriend na si Pocholo Barretto sa kanyang career
Photos by: @iamryzacenon(IG)