EXCLUSIVE: LJ Reyes talks about marriage with Paolo Contis: "Huwag natin madaliin"
Mapapansing sweet na sweet sina Kapuso stars LJ Reyes at Paolo Contis sa isa’t isa at aminado naman ang aktres na “open” ang kanilang relasyon sa publiko.
Matatandaang isang madamdaming post ang sinulat ng kanyang rumored boyfriend sa Instagram noong kaarawan niya.
Tugon ng Pinulot Ka Lang sa Lupa actress, “Well, siyempre, nakakatuwa na may taong ganun ‘yung gusto mangyari [na] may taong gustong mag-protect sa ‘yo, and ginagawa naman niya.”
Nagwo-work out at parehong masaya ang magkasintahan sa relasyon na mayroon sila. Sa tingin ng aktres, “I think nakatulong na ang dami na naming na-experience sa buhay so ‘yung maturity [ay] iba rin eh. Siguro nasa state na kami na pareho na kaming matured.”
May wedding bells na ba kaming maririnig soon? “Ang ganyan, step by step ‘yan. Hindi mo naman pwedeng madaliin kasi hindi naman pwedeng kunyari okay kayo [tapos] pakasal na bukas. Kailangan ang relationship tinatrabaho [at] huwag natin madaliin [ang kasal].”
Maituturing na good influence raw si Paolo sa kanyang buhay, “Before, parang walang nagpo-protect sa akin, so ngayon [ay] mas maraming burden ‘yung natanggal. Para ko siyang best friend eh [at] hindi lang boyfriend.”
MORE ON LJ REYES AND PAOLO CONTIS:
READ: Paolo Contis considers LJ Reyes the girl of his dreams
LOOK: LJ Reyes, sinorpresa nina Paolo Contis at Aki sa Valentine’s Day
READ: LJ Reyes, thankful for Paolo Contis’ presence in her life