
Hindi na naiwasan ni Aljur na mag-react at sumagot sa netizens na pumuna sa mga naging pahayag niya sa isang interview.
Ramdam ang kasiyahan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, matapos ang announcement ng kanilang engagement last week.
Makikita sa kanilang mga social media accounts ang mga nakakakilig nilang post at ‘tila sinusulit ng dalawa ang mga oras na magkasama sila.
Pero usap-usapan din ngayon online ang naging reply ni Aljur sa comments ng mga netizens sa isang Instagram post niya last January 30.
Dito nag-post ang mga netizens na sina @ghielle05 at @imyourangel22 na ‘tila nayabangan sa isang interview ng hunk/actor sa isang showbiz website kamakailan lang.
Sinagot ni Aljur ang mga comments na ito at sinabing tao lamang siya at nasasaktan.
“@ghielle05 @imyourangel22 Sorry po for being human. Na-frustrate, napagod at nasasaktan lang po. Higit sa lahat, nag-aalala lang sa taong Mahal ko. ”
More on KYLIE PADILLA & ALJUR ABRENICA:
Kylie Padilla to fiancé Aljur Abrenica: "I'm just happy I am sharing it with you"
IN PHOTOS: The Kylie Padilla and Aljur Abrenica love story
Aljur Abrenica to Kylie Padilla: "The road leading to 'happily ever after' is bumpy and treacherous"