READ: Sagot ni Jinkee Pacquiao sa basher na nagsabing nakikinabang ang pamilya niya sa pera ni Manny
Hindi na napigilan ng asawa ni Senator Manny Pacquiao na mag-react. Basahin ang kanyang sagot sa basher.
Hindi na napigilan ng asawa ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ang sarili nang mayroong isang netizen na nagkomento tungkol sa pakikinabang daw ng kanyang pamilya sa pera ng Pambansang Kamao.
Nagsimula ito nang mag-post si Jinkee ng photo ni Pacman matapos niyang masungkit ang WBO Welterweight champion title mula kay Jessie Vargas kamakailan lamang.
READ: Manny Pacquiao, nasungkit ang WBO Welterweight title kay Jessie Vargas via unanimous decision
"You've fought a good fight, you finish the race and kept the faith. I don't like seeing you like this, but I believe God has a purpose for everything! He will take good care of you no matter what. You fought for the Filipino people and for your country and most of all, you draw people to Christ which is the most important thing in life. I will always be here for you, to love you, support you, and pray for you. God is always on our side. Thank you, Babe! Love you! I pray for more heavenly wisdom, strength, and enthusiasm of what God has prepared for you for His glory," saad ni Jinkee sa caption.
Isang comment ng netizen sa litratong ito ang pumukaw ng pansin ni Jinkee.
Sinagot naman ito ni Jinkee ng isang maikling komento.
MORE ON JINKEE PACQUIAO:
IN PHOTOS: Jinkee Pacquiao's mamahaling clothes, bags, and shoes
#FamilyGoals: The humble life of the Pacquiaos