WATCH: Aiai Delas Alas, naiyak nang pasalamatan ni Jiro Manio sa rehab
Bilang bahagi ng rehabilitation program ni Jiro Manio, bumisita ang kanyang guardian na si Aiai Delas Alas para sa isang guided dialogue. At dito hindi napigilan ng aktres na maging emosyonal.
Bilang bahagi ng rehabilitation program ni Jiro Manio, bumisita ang kanyang guardian na si Aiai Delas Alas para sa isang guided dialogue.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, pinaunlakan ng wellness facility ang GMA News para ma-witness ang pag-uusap ng dalawa. Nagpasalamat si Jiro at humingi ng paumanhin sa Sunday PinaSaya star.
“Nagpapasalamat ako hindi dahil tinulungan mo ‘ko eh, [pero] dahil ni-rescue mo ‘ko. Saka humihingi ako ng tawad dahil wala akong nagawa nung time na parang naguguluhan ako,” sabi ni Jiro.
Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Aiai na maiyak at maging emosyonal. Panoorin ang kanilang pag-haharap sa ulat ng 24 Oras.
Video from GMA News
Determinado si Jiro na gumaling at matapos ang programa upang maging mas mabuti ang kanyang buhay paglabas niya ng facility.
“Gusto ko nang magbago. Gusto ko ng mabuting buhay… Tatapusin ko muna ‘to,” dagdag niya.
MORE ON JIRO MANIO AND AI-AI DELAS ALAS:
Aiai Delas Alas, pinabulaanan ang mga balitang kumakalat tungkol kay Jiro Manio
Aiai Delas Alas, sinamahan si Jiro Manio mag-enroll sa fitness class