Memes at viral videos tungkol sa 13th month pay o Christmas bonus na patok online
Tulad ka ba ni Robert (Arthur Solinap) ng 'Pepito Manaloto' na napapasigaw ng: “Shopping, shopping, shopping”?
Well, deserve ng bawat Pilipinong empleyado ang i-reward ang mga sarili nila ngayong Pasko matapos magtrabaho ng isang taon.
At siyempre ngayong holiday season ay “abangers” na ang lahat sa pinakaaasam-asam na 13th month pay.
Sa isang ulat ng GMA News Online, ibinahagi nila ang isang Department of Employment and Labor (DOLE) advisory tungkol sa 13th month pay ng mga mangagawa.
“The 13th month pay shall be paid to rank-and-file employees in the private sector regardless of their position, designation, or employment status, and irrespective of the method by which their wages are paid, provided that they have worked for at least one month during the calendar year,” ayon sa DOLE advisory
“It shall also be given to rank-and-file employees who are paid on a piece-rate basis, fixed or guaranteed wage plus commission, those with multiple employers, those who resigned, were terminated from employment, or were on maternity leave and received salary differential,”
Kaya dala ng excitement na makatanggap ng 13th month pay o Christmas bonus, lumalabas ang pagka-'witty' ng mga Pinoy online.
Tingnan ang ilang sa viral memes at short-form videos tungkol sa 13th month pay o bonus na kinaaliwan sa social media ngayon.
Davao Conyo
Mukhang makaka-relate ang lahat sa karakter ni Davao Conyo na si Pauline na mukhang gagamitin for self-love ang 13th month pay niya. Single ka ba rin tulad niya?
Co-worker: “Ikaw Pauline para saang ang 13th month pay mo?”
Pauline: “Ay akin lang lahat. Single di ba?”
Co-worker: “Single ka pala noh.”
Pauline: “Ang aga n'yo kasi magmahal yan tuloy.”
Client
Iba ang kilig na naramdaman ni Liza Soberano nang biglang surprise si client na Christmas Bonus.
Destiny Rose
Iba ang glow up after matanggap ang Christmas bonus dahil diretso na sa favorite salon mo!
No money
Mapapa-ngiti ka na lang tulad ni Atty. Renan Alon (Tom Rodriguez) dahil sa dami ng ganap ngayong Pasko ay walang laman ang bank account mo.
Aera
Sorry sa mga inaanak ni Atty Aera (Analyn Barro) nag-aabang pa rin siya ng Christmas bonus.
Vilma Santos
Samahan natin si Ate Vi na magdasal para dumating na ang Christmas bonus.
Bibida ang multi-awarded actress na si Vilma Santos-Recto sa Metro Manila Film Festival 2024 entry na 'Uninvited.'