
"Gusto ko siyempre, kung lalabas ulit ako sa FHM, mas bongga doon sa una" - Andrea
Abala ngayon si Andrea Torres sa kanyang GMA Afternoon Prime series na The Millionaire's Wife. Halos isang taon din ang hinintay ng aktres bago siya nagkaroon ng bagong teleserye, kaya naman binubuhos niya ang lahat ng effort sa proyektong ito.
READ: Andrea Torres considers latest role as her most mature to date
Pero hindi pa rin maiwasang itanong kay Andrea kung may balak ba siyang muling maging cover girl ng men's magazine, lalo na't marami ang nagandahan sa una niyang cover para sa December 2014 issue ng FHM Magazine.
Sakaling maimbitahan siya for another cover, balak ni Andrea na higitan pa ang dati niyang ginawa.
"Gusto ko siyempre, kung lalabas ulit ako sa FHM, mas bongga doon sa una. So mag-iisip muna ako ng puwede kong gawin. Sobrang [binigay] ko lahat doon sa cover na 'yun."
MORE ON ANDREA TORRES
Pilot episode of 'The Millionaire's Wife' trends on Twitter
The secret to Andrea Torres' sexy FHM body is Mikael Daez