Ion Perez confirms withdrawal from 2025 polls
It's Showtime host Ion Perez, or Benigno Dungo Perez in real life, announced on Monday evening (November 4) that he is no longer running for the position of councilor in Concepcion, Tarlac in next year's mid-term elections.
In a short video on Facebook, the partner of Unkabogable Star Vice Ganda talked about his reasons why he's backing out of the 2025 polls.
RELATED CONTENT: These celebrities are running in the Eleksyon 2025
“Sa mga ka-lugar ko po diyan sa Concepcion [Tarlac], una po marami pong salamat sa tiwala at suporta n'yo na ibinigay sa akin.
“Pinapaalam ko lang po na hindi na po ako tatakbo or tutuloy bilang konsehal ng Concepcion dahil gusto ko po muna ihanda ang sarili ko para hindi mapahiya sa inyo at mapaglingkuran kayo nang tama,” Ion stated.
He added, “Muli po, maraming, maraming salamat po sa inyong tiwala. Paumanhin po.”
Several celebrities are running as councilors in the 2025 elections to get a seat or win another term in various cities and municipalities in the country.
Among them are Aiko Melendez and Pulang Araw actress Angelu de Leon, who are seeking their second term as city councilors in Quezon City and Pasig City, respectively.
Meanwhile, Ion's It's Showtime co-host Jhong Hilario is on his last term as councilor in Makati City.
Vice Ganda got engaged to Ion Perez in early 2020 and the following year they held a wedding commitment ceremony in Las Vegas, Nevada.
RELATED CONTENT: The love story of Vice Ganda and Ion Perez in pictures:
Where it all started
Unang nagkita sina Vice Ganda at Ion Perez noong 2017 sa dating programa ng una na Gandang Gabi Vice. Napansin ni Vice si Ion noon na isa sa mga audience kasama ang Mr. Universe Tourism winners,kung saan siya ang title holder. Dito ay saglit silang nagkausap at nagkakulitan.
It's Showtime
Muling nagkrus ang mga landas nina Vice Ganda at Ion Perez nang maging guest ang huli sa noontime show na It's Showtime. Tinawag na ”Kuya Escort” noon si Ion sa segment na “Miss Q and A.”
Kulitan
Kinagiliwan ng publiko ang kulitan at kilig moments nina Vice Ganda at Ion Perez sa nasabing segment.
2018
Taong 2018, mas nasaksihan ng publiko ang pagiging sweet nina Vice Ganda at Ion Perez sa isa't isa mapa-TV man o online.
Kilig reveal
March 2019, inamin ni Ion Perez na “special” para sa kaniya si Vice Ganda sa dating programa ng huli kung saan guest din noon ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Scared yarn?
Nang tanungin si Ion Perez noon kung ano ang kinatatakutan niya, ito ang kaniyang naging sagot, “Ang kinatatakutan ko po ay ang matapos kung ano man ang mayroon sa amin ni Vice. Special po siya sa akin”
How I met your mother
April 2019, bumisita sa It's Showtime ang nanay ni Vice Ganda na si Mommy Rosario at dito na hiningi ni Ion Perez ang basbas nito na pormal na ligawan si Vice.
IG reveal
Mula noon naging mas hayag na sa publiko ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez na kitang-kita rin sa kanilang mga social media posts.
Cheerleader
Kinakiligan din ng netizens ang pagsama ni Vice Ganda sa basketball game ng partner niya na si Ion Perez kung saan holding hands pa silang naglaro sa court.
Officially in-a-relationship
October 2019, kasabay ng 10th year anniversary ng It's Showtime inamin nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang relasyon.
Secret wedding
Lingid sa kaalaman ng publiko, nagpakasal sina Vice Ganda at Ion Perez sa Las Vegas kasabay ng kanilang third anniversary noong October 2021.
Proposal
February 2020 pa lamang ay nag-propose na si Ion Perez kay Vice Ganda sa tulong ng kanilang mga kaibigan na sina Teddy Corpuz at Jugs Jugueta.
"Takot"
Ibinahagi rin ni Vice Ganda na takot siyang masira ng mga tao ang special moment nila ni Ion Perez kung kaya't hindi muna nila isinapubliko ang kanilang naging kasalan.
Madlang Kapuso
Hindi naman inasahan nina Vice Ganda at Ion Perez na ikatutuwa ng maraming publiko ang kanilang kasal nang ibahagi nila ito sa pamamagitan ng isang vlog isang araw bago ang Valentine's day noong 2022.
Second Wedding
Ayon kina Vice Ganda at Ion Perez, nais din nilang maikasal sa ikalawang pagkakataon dito sa Pilipinas.
Sweet birthday message
Madamdamin din ang isa sa naging birthday message ni Vice Ganda para kay Ion Perez kung saan sinabi niyang dumating na ang taong magpapasaya sa kaniya matapos niyang magpasaya ng maraming tao.
“Ang tagal ko ding naging malungkot habang nagpapasaya. Ang tagal ko ding lihim na umiiyak habang nagpapatawa. Ang tagal kong ininda yung mga sakit na pinagdaanan ko. Hanggang nakilala ko sya. Lahat biglang nagbago. Sinagip nya ko bago ko tuluyang malunod,” ani Vice.
Vice to Ion
“Binura niya lahat ng hinanakit, naging matamis 'yung dating ubod ng pait. Siya lang 'yung may tapang na mahalin ako at ipagmalaki ito. Siya lang 'yung may boses na ipagsigawan ang pangalan ko. Siya lang 'yung may kamay na humawak sakin kahit may ibang nakatingin. Siya lang 'yung yumakap sa'kin na di nagtatago sa dilim. Siya 'yung minahal ko na di nahiyang mahalin din ako. Kaya panalangin ko po Lord protektahan nyo po s7iya sa anumang pwedeng makapanakit sa kanya. Nawa po'y lagi siyang nakangiti at masaya. Sana po ipahintulot niyong habang buhay ko siyang makasama. Kasi po mahal na mahal ko sya. #HappyBirthdayIon @pereziion27.”
Parents approved
Matatandaan na naging viral din noon ang pagbisita ni Vice Ganda at ng kaniyang Mommy Rosario sa bahay nina Ion Perez at ng kaniyang mga magulang sa Pampanga.