Celebrity Life

Bea Binene, masaya para sa ex na si Jake Vargas

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 1:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Matapos mag-post si Jake Vargas ng photo with his rumored girlfriend, nagsalita na si Bea Binene tungkol dito.


By MARAH RUIZ


PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Sa press conference ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Hanggang Makita Kang Muli, hindi naiwasang tanungin si lead star Bea Binene tungkol sa ex-boyfriend niyang si Jake Vargas.

Nag-post kasi kamakailan si Jake sa kanyang Instagram account ng litrato niya kasama ang kanyang rumored girlfriend.

READ: Who's the girl who makes Jake Vargas smile again? 

Ayon naman kay Bea, naka-move on na siya at masaya para kay Jake.

"It has been a year. Year na! December [kami naghiwalay]. So kumbaga, meron na kaming separate paths. Meron na kaming different roads na tinatahak ngayon. So let's just be happy for him," saad nito.

Magiging busy na si Bea sa kanyang bagong serye kung saan makakatambal niya si Derrick Monasterio.

"Nakakatuwa. Para kong nabunutan ng tinik sa lalamunan," paglalarawan ni Bea sa kanyang sarili matapos makita ang maikling preview ng drama.

"Very relieved and very thankful dahil maganda 'yung kinalabasan niya. Ang worth it lahat ng pagod, lahat ng hirap," dagdag pa nito.

Abangan si Bea sa kanyang natatanging pagganap bilang ang feral child na si Ana sa Hanggang Makita Kang Muli, March 7 na sa GMA Afteroon Prime.

Samantala, narito ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:


Video courtesy of GMA News