TikTok creator Jen Barangan apologizes after getting called out for behavior during Olivia Rodrigo's concert
Meanwhile, check out these TikTok stars who made it to the mainstream entertainment:
Rain Matienzo
Bukod sa pagiging UAAP (University Athletic Association of the Philippines) courtside reporter, nakilala rin online si Rain Matienzo bilang "Conyo Girl" dahil sa kanyang mga skits bilang isang popular conyo student sa isang prestigious university. Mabilis na kinagat ng maraming netizens ang kanyang mga content hanggang sa maging bahagi na siya ng Sparkle artists ng GMA, ang biggest broadcast network sa bansa. Dito ay nabigyan si Rain ng pagkakataon na maipakita ang kanyang galing sa hosting at sa pag-arte. Sa ngayon, kabilang siya sa cast ng GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247. Pero sa kabila ng pagiging ganap na artista, patuloy pa rin sa paggawa ng content si Rain sa TikTok gaya ng kanyang "Trophy Wife" series kasama ang kapwa content creator na si Landamme Vivas.
Jeff Moses
Mula sa kanyang song and sexy dance covers sa TikTok ay nakitaan ng potential sa pagiging next ultimate heartthrob ang moreno cutie na si Jeff Moses. Ngayon, handa na si Jeff na maipakita ang kanyang talento bilang miyembro ng "Sparkada," ang grupo ng 17 young and fresh faces ng Sparkle GMA Artist Center.
Joyce Glorioso
Nakilala si Joyce Glorioso o si Joyang TV sa TikTok dahil sa kanyang mga nakaaaliw na dance covers, kung saan background niya lamang ang kanilang kusina at mga nakasabit na saging. Dahil dito, binansagan din siya bilang si "Banana Queen," na patuloy na sinusubaybayan ng mga tao. Ngayon, kabilang na si Joyang sa cast ng upcoming Kapuso action-fantasy series na Lolong na pinagbibidahan ng hunk actor na si Ruru Madrid.
Ychan Laurenz
Mula sa kanyang acting-debut sa Wish Ko Lang!, bida naman ngayon sa #EleksyonSerye ng GMA News and Public Affairs ang TikTok star na si Ychan Laurenz. Nagsimulang makilala si Ychan sa kanyang mga relatable content online gaya ng mga skits kung saan ipinapakita niya ang mga pangyayari sa loob ng classroom, palengke, jeep, at maging sa online classes. Sa kasalukuyan, may nasa mahigit 2.7 million followers at 78.2 million likes sa na ang kanyang TikTok, at 500,000 followers naman ang kanyang Facebook page.
Pipay
Tuluy-tuloy rin ang pagsikat ng social media influencer na si Pipay. Mula sa kanyang mga trending at nakatatawang paandar sa TikTok, dalawang beses nang naimbitahan si Pipay para maging guest sa programang Wish Ko Lang! ng GMA, kung saan nakasama niya ang ilan sa mga Kapuso stars gaya nina Sanya Lopez at Faith Da Silva. Napanood din si Pipay bilang celebrity guest player sa sa game show na Family Feud kung saan nanalo siya at ang kanyang kapwa TikTokerists ng jackpot prize na PhP200,000. Sa kasalukuyan, may 45.8 million likes at 2.5 million followers na si Pipay sa TikTok.
Gabo Alonzo
Mula naman sa pag-i-impersonate sa iconic Filipino singer na si Regine Velasquez sa TikTok nakilala ang 20-year-old online influencer na si Gabo Alonzo. Dahil sa kanyang galing sa pag-arte, nabigyan ng pagkakataon si Gabo na maging parte ng Kapuso serye na Mano Po Legacy: Her Big Boss. Sa kasalukuyan, may 20.3million likes at 1.6 million followers na si Gabo sa TikTok.
Sassa Gurl
Taong 2020 nang magsimulang makilala sa TikTok si Felix Petate o mas kilala online bilang si Sassa Gurl. Ang kanyang mga relatable content at skits tungkol sa mga eksena sa kalye, classroom, school canteen at marami pang iba ang mas nagpaingay sa kanyang pangalan. Mabilis na minahal ng online netizens ang kanyang mga content kaya naman sa kasalukuyan, mayroon na siyang 234 million likes at 5.5 million followers sa TikTok. Kamakailan, si Sassa rin ang napiling pinakaunang gay endorser at first openly queer calendar girl ng isang liquor brand kasunod ng pagpapakilala kina Bea Alonzo at Chie Filomeno bilang mga calendar girl ng katapat na brands.
Christian Antolin
Mabilis din ang naging pagsikat ng TikTok star na si Christian Antolin dahil sa kanyang mga nakakaaliw na parody ng ilang mga eksena sa ilang TV programs. Ngayon ay kasama na rin si Christian sa ilang digital series at napanood din siya kasama ni Pipay bilang celebrity guest player sa sa game show na 'Family Feud,' kung saan nanalo ang kanilang team na Team TikTokerists ng jackpot prize na PhP200,000. Sa kasalukuyan, may 29.5 million likes at 2.4 million followers na si Christian sa TikTok.
Esnyr Ranollo
Ang mga classic high school eksena naman ang napiling content ng 19-year-old engineering student na si Esnyr Ranollo para sa kaniyang TikTok account na mabilis din na bumenta online. Ngayon, isa na ring brand endorser si Esnyr ng isang kilalang international beverages company at ng isang mobile network operator. Sa kasalukuyan, may 136.2 million likes at 4.4 million followers na si Esnyr sa TikTok.
Nana Silayro
Bukod sa kanyang comedic skills na ipinapakita sa kanyang mga TikTok videos, isa si Nana Silayro sa online influencers na gumagawa ng content tungkol sa pagkakaroon ng self-confidence at self-love na ikinatutuwa ng marami niyang taga-sunod. Sa ngayon, mayroong 116.7 million likes at 3.9 million followers na si Nana sa TikTok. Mapapanood din siya digital series na Pasabuy, kung saan direktor ang Kapuso actor na si Xian Lim.
Dr. Kilimanguru
Noong Oktubre 2022, napanood sa inspirational-medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap' ang real-life doctor at sikat na content creator na si Dr. Kilimanjaro Tiwaquen, o mas kilala bilang Dr. Kilimanguru ng kanyang followers sa social media. Kasalukuyang mayroong mahigit 4.4 million followers sa TikTok si Dr. Kilimanguru at 3.4 million followers naman sa Facebook.
Dr. Alvin Francisco
Isa sa real-life doctors na napanood sa inspirational-medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap' ang radiologist na si Dr. Alvin Francisco, na isa ring kilalang content creator sa social media. Kasalukuyang mayroong mahigit 493,100 followers sa TikTok at 845,000 followers sa Facebook si Dr. Alvin at 563,000 subscribers naman sa YouTube.